Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

#AnimatED: Katiwalian at ang gabundok na toilet paper ng Senado

$
0
0

May umaalingasaw sa Senado at hindi ito dahil sa mga toilet. 

Ayon sa COA o Commission on Audit, nag-overstock daw ang Senado ng halagang P1.4 million ng supply ng toilet paper, insecticide at baterya. Maliban dito, may mga gamit na nagkakahalagang P1.68 million na "obsolete or dormant".

Kahit mag-UNLI session ang mga senador at kanilang staff sa kubeta ay walang dapat ipangamba dahil may 20,856 rolyo ng toilet paper ang mga kagalang-galang. 

Kahit ang toilet humor ni Senator Tito Sotto, hindi aatrasan ng gabundok na toilet paper na ito.

Kahit "ma-ano" pa ang mga senador sa salawal ng anim na buwan, keri lang!

At may dalawang taong supply din ng insecticide ang mga senador laban sa mga ipis, lamok at langaw na maliligaw sa bandang Manila Bay. 

Puwede silang mag-insecticide wars, imbes na naggigirian lang sa bulwagan. Calling on Senator Dick Gordon at Sonny Trillanes. Senator Frank Drilon, may laban ka na kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao. 

Puwede silang mag-rave party hanggang umaga nang naka-full blast ang mga stereo gamit ang anim-at-kalahating taong supply ng baterya. Malamang naman ay paso na ang mga ito pagdating ng ika-anim na taon.

Hindi namin alam paano pakikinabangan ang toners at ribbons ng mga printers na di na ginagamit. 

Ayon sa state auditors: "Wastage of government assets from overstocking and obsolescence of inventories could have been prevented had procurement of supplies and materials been properly planned and periodic assessment of inventory movements been undertaken to ascertain the required quantity of items for stocking.”

Dapat daw kinonsidera ang storage, inventory movements, at expiry ng mga supply.

In other words, gamitin daw ang kukote. 

Teka, kabobohan ba ang pagwawaldas na ito o korapsyon? 

Sabi ni Senate President Koko Pimentel, iimbestigahan niya ito. Aasahan namin, Senador. 

Dapat #NotOnMyWatch ang diskarte ni Pimentel, lalo na’t may anti-corruption campaign ang boss nya.

Habang iniimbestigahan niya, mabuting i-donate na lang sa mga displaced ng giyera sa Marawi ang toilet paper, insecticide, at baterya. Marami tayong kababayang makikinabang sa mga resources na ito.

Dapat ding matanggal na sa puwesto ang nag-shopping spree na kawani ng Senado. Gaano katagal na ba itong kalakaran?

Dapat ding marebisa ang procurement policies ng institusyon na ito. Aba'y mahiya naman kayo sa mga naghihikahos na 'di man lang maka-afford ng toilet paper. At sa mga taxpayer na tumutustos sa komportableng buhay n'yo sa Kamara.

Kahit papaano mo tignan ang issue na ito, mabantot pa rin. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>