Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[OPINYON] Ang sikreto ng DDS

$
0
0

Bilang sociologist, matindi ang interes ko sa mga kilusang panlipunan, lalo na iyong mga tinatawag na makakanan o right-wing, na ang mga miyembro ay kumikilos na parang nabubuhay pa sila noong panahong bata pa ang mundo, bago nabuo ang mga komunidad ng tao. Marami nang nagsabi sa akin na delikado ang interes na ito sa mga right-wing na kilusan.

Puwede akong mabugbog 'pag nadiskubre nilang makakaliwa talaga ako – na nangyari na nga nang dalawang beses noong '70s nang gumagawa ako ng disertasyon sa PhD tungkol sa pasistang grupong Patria y Libertad sa Chile sa Latin America.

Ang pinakahuling ganitong uri ng kilusan na nakapukaw ng atensyon ko ay ang DDS o "Die-hard Duterte Supporters," na ang pinuno (kahit 'di pormal na itinalaga) ay si Mocha at ang pangunahing cheerleader na si Dick Gordon. Ang DDS ay paglalaro sa acronym na DDS, na ang orihinal na kahulugan ay Davao Death Squad na pinamunuan ni Duterte bilang mayor ng Davao bago siya maging pangulo. 

Nakakita na ako ng isang miyembrong ng DDS na handang makipag-usap dahil nangako akong 'di ibubunyag kung sino siya. Pero hindi naman ako nangako na hindi ko babanggitin ang mga katangian niya. Lalaki, edad 45, mataba, nakakalbo, pandak, at walang pagdududang middle class. Sa unang tingin, parang tahimik at di manggugulo, kaya’t para siyang wallflower.

Tinanong ko siya paano maging isang DDS. Sabi niya, "May magkakatulad kaming karanasan."

Puwede bang mas maging tiyak at malinaw siya tungkol dito?

Tumingin muna siya sa paligid bago sinabi, at parang nahihiya pa, "Nag-o-orgasm kami 'pag nakikita si Presidente sa TV."  

"Talaga?" tanong ko. 

"Oo, at nagkukumpara kami ng nararanasan namin kaya nagkaroon kami ng isang konklusyon."

"Ano naman ito?" pagpupursigi ko.

Tumingin na naman muna siya sa paligid, at saka nagsabing, "Na mas mabuti pa kaysa sex ang makita lang si Presidente sa TV."

Totoo?! 

"Oo," pagpapatuloy niya, "at nakakagamot pa. Iyong iba sa amin, may problema sa pagpapatigas, iyong iba naman matagal nang nalipasan ng sex drive, pero kapag nakikita namin siya, nagkakaroon ng milagro."

Totoo ba ito para sa lalaki at babae?

"Oo totoo para sa lalaki at babae, matanda at bata, maganda at pangit, kaya ito ang dahilan kung bakit kami matapat sa kanya. Tulad ito sa pagbuhay ni Hesus kay Lazaro. 'Tumindig ka, Lazaro.' At tumindig nga. Naging buo muli ang seksuwal na pagkatao namin." 

Sabi pa niya: "At walang makakatulad sa rally ng DDS kapag naroon si Presidente. Nagkakaroon kami ng kolektibong kaligayahan, isang orgy, pinakasukdulang karanasan sa sex kahit wala namang sex talaga."

Pero napag-isip siya, bago muli nagpaliwanag: "Hindi naman talagang tulad ng kapag may aktuwal na pakikipag-sex. Parang sabay-sabay kaming nakikipagtalik sa kanya, at sa pamamagitan niya, sa bawat isa pa. Alam mo iyon, parang iyong sinasabi ng pari sa misa, "Through Him, with Him, and in Him"? 

Pinilit kong maalaala ito sa Latin noong unang kapanahunan pa na nagsakristan ako, pero mas nauna siya na matandaan ito. Sabi niya bigla, "Per ipsum, et cum ipso, et in ipso."

Wow! Nagtapos kaya itong mamang ito doon sa eskuwelang nasa Katipunan?

Sa puntong ito parang nasa karera ang takbo ng utak ko sa pag-intindi ng mga sinabi niya. Ganito rin ang narinig kong naganap sa mga rally ng mga Nazi, katulad ng sa Nuremberg noong 1936, na, ayon sa mga testimonya ng libu-libong taong dumalo, nagkaroon ng kolektibong pagbabati, karamihan dito ay imboluntaryo. Kaya't nagbabala sa mga babae na huwag munang maglalakad sa nasabing lugar sa loob ng ilang araw at baka aksidenteng mabuntis sila. 

"Pero meron pa," sabi ng kausap ko. "Naabot namin ang sukdulang kaligayahang seksuwal kapag sinasabi niya sa mga kaaway niya, 'Papatayin ko kayong lahat.'"

Ibig mong sabihin, natu-turn on kayo dahil sa panawagang pumatay?

Ngumiti siya, pero nag-iba na ang itsura niya. Hindi na katulad noong simula; may pagbabanta ang kanyang ngiti. "Ngayon alam mo na kung bakit DDS kung tawagin namin ang aming sarili."

Salamat, sabi ko, at nagmamadali akong umalis. Baka kung ano pa ang mangyari sa akin.

Pagkatapos ng interbyu, kinuha ko ang isang lumang libro na matagal ko nang di nabasa, ang Mass Psychology of Fascism ni Wilhelm Reich. Tama ba si Reich? Na ang pasismo ay isang kilusang pampulitika na nakaugat sa represyong seksuwal at mga pakiramdam na ang isang tao ay may kakulangang seksuwal, at ang pinunong pasista ang siyang nagtagumpay sa pagpapalabas ng mga nasiil na damdamin/enerhiyang ito para maging isang malaking galit na makakapagtulak na pumatay? 

Kung tama si Reich, malaki talaga ang problema nating nabubuhay dito sa kumbentong Katoliko na nagpapanggap na bansa. – Rappler.com

Maliban sa paminsan-minsang pagsusulat ng satirical fiction, natuturo din ng sociology si Walden Bello. Naging miyembro siya ng Kamara ng mga Representante mula 2009 hanggang 2015, ngunit nagbitiw dahil sa prinsipyo – hindi siya sang-ayon sa ilang prinsipyo ni Pangulong Benigno Aquino III. Pinakabagong non-fictional study niya ang “Counterrevolution, the Countryside, and the Middle Classes,” na nasa January 2018 issue ng Journal of Peasant Studies. Mababasa ang pag-aaral dito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>