Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[EDITORIAL] #AnimatED: Ang pagbabalik ni Gloria Arroyo

$
0
0

Parang telenovela. Nanumbalik sa buhay-pulitika natin ang walang kakupas-kupas na si Gloria Macapagal Arroyo, ang bagong Speaker ng House of Representatives. Siya ang unang dating presidenteng naging House speaker.

Mahusay magpakete ng imahen ang anak ng dating pangulo sa kabila ng pagiging political butterfly. Noong 1990s, bilang look-alike ni Nora Aunor, tumakbo siya at nanguna sa senatorial elections. Hindi natapos ang dekada, nanalo naman siyang bise presidente na milya-milya ang layo sa kasunod niyang kandidato.

Nang napalayas sa Malacanang ang aktor na si Erap Estrada matapos ang Jose Velarde scandal noong 2001, nasa tamang lugar sa tamang panahon si Arroyo. Bilang bise presidente, siya ang nakinanabang. Si Arroyo ang unang pangalawang pangulong nagmana ng trono mula sa isang pinatalsik na presidente. 

Matitinding hamon ang kanyang hinarap. Nandiyan ang Oakwood mutiny ng ilang myembro ng militar, kabilang na ang isang Sonny Trillanes, ang pagbibitiw ng 10 sa kanyang Gabinete na tinaguriang Hyatt 10, at ang makailang banta ng impeachment laban sa kanya.

Panahon din ni Arroyo namayagpag ang warlords at private armies. Humantong ang impunity na ito sa pagpatay sa 58 na tao sa tinaguriang Maguindanao massacre.

Moral bankruptcy

Isang bagay ang matingkad sa pamumuno ni Arroyo bilang presidente ng 9 na taon: bangkarote sa moralidad ang liderato niyang tadtad ng korupsiyon. Tumingkad ito sa malawakang pandaraya noong 2004 elections na nabuking sa "Hello, Garci" tapes at tinangka niyang bawiin sa pamamagitan ng ngayon ay imortal nang "I am sorry" speech. Sumambulat din sa panahon niya ang NBN-ZTE deal na nagpasikat ng mga salitang “moderate your greed.”

Nakulong siya sa ilalim ng administrasyong Aquino sa kasong plunder at electoral sabotage. Sa bisa ng neck brace, wheelchair, at sangkatutak na sertipiko mula sa mga doctor, isinailalim siya sa hospital arrest. Kung titingnan mo si Arroyo noon, di mo akalaing makakabangon pa siya.

Pero gulong ang buhay-pulitika sa Pilipinas, at ang minsang nasa ilallim, ngayo’y nasa ibabaw na naman. Buo pa ang power base niya sa kanyang lalawigan at hindi nabubuwag ang mga kaalyado. Sinuportahan niya ang matagumpay na kabayo sa 2016 elections na si Rodrigo Duterte at nagsimula na ang pagbaligtad ng kapalaran ng kongresista mula sa ng Pampanga.

Hunyo 2016, lumaya siya nang pinawalang sala ng Korte Suprema sa kasong plunder kaugnay ng maling paggamit ng pondo ng sweepstakes office. Setyembre 2016, ibinasura ng Sandiganbayan ang graft case niya kaugnay ng NBN-ZTE deal.

Sa ikatlong State of the Nation Address ng popular na Presidente Rodrigo Duterte, naagaw ni Arroyo ang trono ng arogante ngunit papalubog nang politikong si Pantaleon Alvarez. Walang session, walang mikropono, at walang mace, pero napataob niya ang sanggang-dikit ni Digong.

Bagong power center?

Ayon sa mga tagapagmasid, bagong sentro ng kapangyarihan sa loob ng administrasyong Duterte si GMA, na suportado ng mismong anak ng pangulo na si Sara Duterte. Nagkawatak-watak at naagnas na raw ang kapangyarihan ng mga tubong-Davao na kaalyado ng Pangulo – ang mga taong nagpakulo ng kandidatura niya noong 2015.

Si Arroyo ang inaasahang magtutulak ng agenda ni Duterte sa Kongreso. Siya ang inaasahang magsasakatuparan ng charter change, bagay na hindi pinagtagumpayan ng kahit na sinong presidenteng sumunod kay Cory Aquino.

Siya rin ba ang magtitiyak na maipapasa ang kapangyarihan sa mga Marcos sa ilalim ng isang federal set-up? Hindi malayo dahil hindi nagtatapos kay Alvarez ang agenda ng tatlong babaeng nagpabagsak sa kanya. Sa pagbagsak ni Alvarez, malinaw na muli na namang untouchable si Imee Marcos at pupulitin sa kangkungan ang mga bumangga sa kanya, tulad ni Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas.

Sampal ito sa mukha ng taumbayan na naniwalang magkakaroon pagbabago. Isang malaking campaign gimmick ang "change is coming." 

Ito ang panahon ng pagpapalakas ng mga dynasty sa Kongreso. Ito ang lantarang agawan sa poder ng mga alipores ni Digong. Ito ang panahon ng pagre-recycle sa mga lumang trapo. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>