Sa nakalipas na mga buwan naging maugong sa balita ang inflation rate, isang estadistika na sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nadama natin ang walang humpay na pagtaas ng inflation sa presyo ng bigas, gulay, produktong petrolyo, pamasahe, atbp.
Ngunit paano nga ba sinusukat ng gobyerno ang inflation? Gaano kalala ang sitwasyon ngayon, at ano ang mga salik o factor sa likod nito?
Panoorin ang explainer video na ito ni JC Punongbayan, PhD candidate sa University of the Philippines School of Economics at opinion writer ng Rappler. – Rappler.com