MANILA, Philippines – Sinusukat ng inflation kung gaano kabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bagamat bumaba na sa 6% ang inflation noong Nobyembre (mula 6.7% noong Oktubre), mas mataas pa rin ito sa tinakdang target ng gobyerno ngayong taon na 2% hanggang 4%.
Sinabi na noon ni Pangulong Duterte na walang magagawa ang gobyerno para ibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Pero totoo nga ba ito?
Sa bagong explainer video na ito, pinapaliwanag ni JC Punongbayan, Rappler columnist, ang iba’t-ibang hakbang na maaaring tahakin ng gobyerno para patuloy na pababain ang inflation. – Rappler.com