MANILA, Philippines – Noong Pebrero 20, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Universal Health Care Act, na nagbibigay ng awtomatikong PhilHealth membership sa lahat ng Pilipino.
Dahil dito, makikinabang ang mga miyembro sa libreng konsultasyon, laboratory tests, diagnostic services, at iba pang primary healthcare services.
Pero sa pagpapaliwanag na ito ng ekonomista at Rappler columnist na si JC Punongbayan, panimulang hakbang lang ang batas na ito. Marami pang dapat gawin para maging tunay na “universal” o pangkalahatan ang healthcare sa bansa. – Rappler.com