Ikatlong wika:"Ina, masdan mo ang anak mo.. Anak, masdan mo ang iyong ina." (Jn 19: 25-27)
Bago tayo pumalaot (wika nga) at makipagsapalaran sa mga malalim na mga usapin, ay hayaan niyong pangunahan ko na muna ng isang bagay ang ating sanaysay sa ikatlong salita ni Hesus habang siya’y nakapako sa Krus. Ang mga iba’t- ibang sekta ng Protestantismo at ng pilosopong Tasyo na 'di naman maitatangging nagkalat sa ating madiskusyong mga kapaligiran – ang mga taong ito ay madalas magbitiw ng opinion tungkol sa pagkaordinaryong makamundo daw ng ating Birheng Maria. Tangan–tangan ang kung ano’t anong awtoridad na nagsasabing si Hesus daw ay aktwal na may mga kapatid sa laman (mga anak nina Jose at Maria na lalaki at dalawang babae. Ang kanilang punto sa bagay na ito ay ang pasinungalingan ang ating doktrina ng Virgin Birth at UNCONSUMMATED MARRIAGE nina Jose at Maria.
Sa mga katagang ito sa pangatlong (huling) salita ni Hesus ay malinaw na malinaw na wala siyang kapatid babae man o lalaki. Disin sana’y ipaghahabilin niya si Maria sa isa sa mga ito o sa lahat lahat sa kanila kung totoo ngang siya’y may mga kapatid o si Maria ay mayroong ibang mga supling sa pagsasama nila ni Jose: Luhaang umuwi ang mga Pilosopong Tasyo oras na maunawaan nila ang diwa ng habilin ni Hesus kay Maria. Bakit nga ba si San Juan Ebanghelista pa ang paghahabilinan kung meron din naman palang mga kapatid si Kristo? Ito’y magiging isang kahunghangan samakatuwid.
Ngayon sa ating paksa.
Ina, masdan mo ang ‘yong Anak; Anak masdan mo ang iyong Ina.
Mas mapapalapit pa siguro ng katagang ITAGUYOD ang BEHOLD sa kontekstong ito. Kasya kung MASDAN lamang ang ating gagamitin. May iba’t ibang antas ng pagmamasid, di ba? “MASDAN MO ANG HALAMAN NA ITO: DI BA’T KAY GANDA?” Isinailalim nila sa masidhing pag-uusisa ang suspek. At ang median nito ay higit na tumutukoy sa aksyong paningin kasya sa pagkakanlong o pagtataguyod ng kapwa. Sa kabilang dako naman, ang Ingles na BEHOLD dinugtungan ng ADJECTIVAL SUFFIX na –EN (behold-en), na matatawag nating katumbas nito, mas o menos.
Kaya naman di katakatakang sa lahat ng mga disipulo ni Hesus ay si San Juan Ebanghelista lamang ang hindi na-martir o namatay sa marahas na paraan. Siya ay umabot ng siyamnapung taon sa Patmos bago namatay. Marapat lamang na sa kanya ihabilin ang mortal na kapakanana ni Birheng Maria.
Sa kabilang dako naman, nang ipinaghabilin kay Maria si Juan ay malamang na FIGURE OF SPEECH lamang ito upang ibalanse o bigyan ng SYMMETRY ang naunang tagubilin, (Ina, masdan ang iyong Anak), bagamat hindi rin dapat iwaksi sa isipan na ang diwa ng pananalitang ito ni Hesus ay ang MUTUAL CONCERN for each other ng dalawang pinagbilinan na masakop ng CHRISTIAN CHARITY, Love thy neighbor as thyself, sa mas definidong wika o command. Dito ay tumawid na tayo sa IMPERATIVE galing lamang sa simpleng DECLARATIVE.
Itong pangatlong wika ni Hesus mula sa krus at nabigyan na niya ng ehemplaryong paglalarawan sa Kanyang talinghagang ANG MABUTING SAMARITANO. Dito ay hindi basta-bastang malasakit sa kapwa ang inilalarawan; dito ay ang higit na dakilang malasakit ang inihalimbawa ni Hesus: na matapos gamitin (unang lunas) ang sugatang lalaki ang dinala pa ito sa isang taberna at doon inihabilin na alagaan ang pasyente at babayaran ito anumang abuting gastusin tungo sa lubos na paghilom ng mga pasa at sugat –CONTINUING CARE. Hindi ito basta natulungan mo yung tao doon sa aktwal na paghahandusay nito tapos na ang obligasyon mo. Ito’y ang patuloy na mabuting pakikitungo sa nasabing biktima ng karahasan. Gayon din naman ang kahulugan ng Ina, masdan mo ang iyong anak, masdan mo ang iyong ina! Sila’y bingyan ni Hesus ng henerikong pangalan (BABAE…ANAK…) pagkat sila’y kinatawan ng sangkatauhan at magiging pamantayan ng UNIVERSAL LOVE.
Interludes
Ang pangatlong winika ni Hesus habang nakapako siya sa Krus ay, maliban sa kanyang pagpapangako kay Dimas na isasama niya sa paraiso; at sa sinumang maaring mag-alok ng pamatid-uhaw niya, ay masasabing “INTERLUDES” o “ENTRE ACTES” lamang sa higit na marami niyang pakikipag-usap sa Ama-4 na beses sa 7.
Ang paghahabilin ni Hesus kay Maria at kay San Juan na magkanlong sa isa’t -isa ay tanging TERRESTRIAL na mensahe niya habang nakapako sa krus.
At dahil kinatakatawan ni Maria at ni Juan ang sangkatauhan, kinakailangan sila’y tawagin sa heneriko at animong mga katagang “BABAE” AT “LALAKI” (ina at anak). Ang utos na mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa sarili ay nakuha pa niyang apuhapin at pagbilinan sina Maria at Juan, sa kagitnaan ng kanyang kalbaryo, na mahalin ang isa't-isa, na maging pamantayan ng UNIVERSAL LOVE.
Buhay Kristiyano
Sa ating payak (muntik ko nang nasabi PAG-IYAK) na kapanahunan ang pamilya ay ang BASIC UNIT OF THE COMMUNITY, ngunit, di tulad nang mga taong nakaraan, ay nawawalan na ng matibay na base na magsisilbing sandigan ng mensahe ni Kristo na magmahalan tayo nang walang pag-iimbot at maging buhay tayo ng bawat isa ng ating mga kapwa.
Hindi lang mga krisis ng tag-gutom at kabi-kabilang alitan ng mga tao at bayan, kundi unti-unting pagkawala ng awtentikong malasakit at pag-aruga sa ating kapwa, ang pag- iral ng mapagasariling mga panuntunin sa pamumuhay.
Nawa’y ang halimbawa ni Kristo sa kanyang pasyon ay maging buhay na batayan ng ating buhay Kristiyano.
Bawat kilos ay dugtong-dugtong
Sa tinaguriang “CHAOS THEORY” ay masusumpungan natin ang “BUTTERFLY EFFECT” na sa madaling salita ay may REPERCUSSIONS kahit na ang kaliit-liitang pagaspas ng pakpak ng isang paru-paro sa kosmos. Ito’y isa sa mga interesanteng paksa na tinatalakay ng mga katulad nila Bertallanffy, Aolovejoy, at iba pang mga promotor ng CHAOS THEORY. Mas kilala natin ang tinatawag na “DOMINO EFFECT” na nagsasaad na kahit ano pang kilos natin ay may tuloy-tuloy na tanikalang dugtong-dugtong na pangyayari o kaganapan. Hindi naman komo’t narinig natin ang CHAOS o COMPEXITY THEORY ay mananatili na lang tayong tunganga sa mga kaganapan sa ating paligid man o sa kalayuan; bagkus ay sisikapin natin na hindi tayo mabulid sa PERPLEXITY o PAGKALITO. Ang isang mabuting ikinikilos natin ay marami-rami rin kahahantungan pero malamang ay mauuwi rin matinong finale o kaganapan.
Sinong mag-aakalang ang mga naganap sa Golgotha dalawang milenyong nakaraan ay magbubunga ng mga ibinunga nito? At mga ibubunga pa? Lawak ng kaisipan ang kailangan dito at hindi GLOOM at DOOM na karaniwang saklay ng mga taong bitin ang KARIDAD, KONDISYONAL ang pagmamahal. Sa madaling salita, hindi awtentiko ang Kristiyanismo nila. Ako man ay ganun din marahil – kung 'di ako mag-iingat! Napakadali kasi maging tao, ngunit ang magpakatao ay mabigat-bigat na pasanin. – Rappler.com
Si Fr Lopito "Bembol" Hiteroza ay 56 anyos at kasalukuyang Shrine Rector at Parish Priest ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa San Mateo, Rizal. Bukod sa pagiging pari, si Fr Hiteroza ay may karanasan na rin sa pagtuturo sa kolehiyo at sa pagsusulat ng libro at mga artikulo. Si Fr. Bembol ay sumusulat din sa opisyal na online page ng parokya, ang Aranzazushrine.ph
Here are more reflections on the "7 Last Words" of Jesus Christ from different Christian groups:
- 7 Last Words reflection: The chain of anger-revenge is broken
- 7 Last Words reflection: 'Today you will be with me in Paradise'
For video-reflections of each of the '7 Last Words of Jesus Christ' as produced by St. Paul's Audiovisuals, go here.