Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[EDITORIAL] Ang pantasya ng 'matrix' ni Duterte

$
0
0

Hindi na namin iinsultuhin ang mga kutsero at tatawagin itong kuwentong kutsero.

Hindi na sana kapatol-patol ang pinakabagong kahunghangan na pinakulo ng Palasyo – ang "matrix." Hango na naman ito sa pantasya ng punong-abala ng bansa na mahilig sa mga pelikulang Hollywood. Naaalala n'yo pa ba ang red-tagging na Red October? At ang dalawang bersyon ng narco list?

Pero ayan, hinimay-himay ng Rappler ang mga datos at ipinakita na laway lang ni Duterte ang nagdidikit sa kunwaring matrix. (Basahin: FALSE: 'Ouster plot' against President Duterte 'bared')

Hindi kailanman ikinalat ng mamamahayag na si Ellen Tordesillas ang “Ang totoong narco list” video.

Hindi kailanman itinago ng PCIJ, Vera files, at Rappler ang foreign funding nila. (READ: The Rappler Story: Independent Journalism with Impact)

At hindi bawal ang foreign funding, tanging 100% ownership ang bawal. (At 100% Filipino-owned ang Rappler.)

Naglista nga ng mga website IP address ang matrix fantasy story ng Manila Times, pero wala naman itong napatutunayan maliban sa marunong sila mag-extract ng IP address. Duh.

At higit sa lahat HINDI reliable source ang Presidente.

Nainggit ba sila sa mapa ng disinformation ng Rappler at mga mananaliksik na hinalaw sa masusing pagsusuri ng big data at kayang patunayan lahat ng mga konklusyon? (BASAHIN: Part 1: Propaganda war: Weaponizing the internet; Part 2: How Facebook algorithms impact democracy; Part 3: Fake accounts, manufactured reality on social media) (BASAHIN: Chief disinformation architects in the PH: Not exactly who you think

Sabi nga ni Vergel Santos (at hindi na namin ito isasalin): "Here, in other words, is a tale that bears the hallmarks of that one told by an idiot, full of sound and fury, signifying nothing."

Tulad ng 7 milyong durugista sa bansa sa utak ng Presidente, na noong 2016 ay 3 milyon lang, na lumobo mula sa 1.8 milyon noong 2015, lumalaki ang kuwentong walang kwenta. Kahit pulisya'y napapakamot ng ulo dahil sa namamagang mga pseudo-datos ni Duterte. (BASAHAN: [ANALYSIS] How Duterte’s exaggerations worsened the Philippines’ drug problem)

Wala palang bisa ang gyera laban sa droga? Bakit dumoble pa ang bilang ng itotokhang?

Tinawag din ni Santos ang Manila Times na naglathala ng "matrix" na "newspaper once." Ayon sa Rappler, may leksyon dito: "How not to write an investigative report or even straight news."

Bread and butter ng may-ari ng Times na si Dante Ang ang PR. Siya ang pinakabagong bersyon ng car salesman – inilalako lahat ng pipitsuging kotse at laos na conspiracy theory kahit salat sa lohika at pananaliksik. Kahit kay Sara Duterte at sa Department of Justice ay di bumenta ang "matrix."

Matapos ang lindol sa Luzon at Kabisayaan, ang kailangan natin ay matinong pamumuno sa panahon ng krisis – hindi mga ouster plot na ipinanganak sa pilipit na imahinasyon ng isang PR man at kanyang amo sa Malacañang.

Nanawagan ang Rappler sa mga nananatili ang katinuan at propesyonalismo sa gobyerno at sa loob ng Times. Tulad ni Ipe Salvosa, ang Times managing editor na nagresign matapos kwestyunin sa Twitter ang pinasabog ng kanyang pahayagan – kumibo rin kayo.

Ngayong, Mayo 3, Press Freedom Day sa buong mundo, kailangan ng mga journalists ang inyong suporta – upang manatili ang malayang pamamahayag; upang tumigil na ang walang humpay na legal at verbal harassment ng mga mamamahayag. Akmang-akma ang tema ngayong taon: "keeping power in check."

Upang huwag na ma-empower ang mga alagad ng kasinungalingan at ang makinarya ng disimpormasyon.

Upang manatili ang access ng mga Pilipino sa facts, sa katotohanan – at hindi pantasya. – Rappler.com 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>