Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[EDITORIAL] #AnimatED: Salamat Tito Sen

$
0
0

Salamat Tito Sen at umeksena ka. 

Kung hindi dahil sa henyo mo – hindi kami maaaliw sa nakapanlulumong yugtong ito. Laughter daw is da bes medicine. 

Ito ang makasaysayan mong pahayag: "It’s very difficult to say that there is an exclusivity when it is underwater. The fish could be coming from China. And the fish from the Philippines could be going to China.' 

Alam mo naman ang mga Pinoy, nati-trigger ng mga katulad mo. Kaya may nagtatanong: kasing haba daw ba ng pila sa immigration ang pila sa ilalim ng karagatan ng Pilipinas?

At siguro naman daw ay madaling makilatis ang isdang Pinoy sa isdang Intsik. (Tignan ang larawan ng isdang Intsik dito para ma-gets mo ang meme.)

May listahan na rin daw ng mga isdang pag-aari ng mga Intsik. Ilan lang ang Bisu Go, Ma Ya Ma Ya, Kandu Li, Alu Ma Han, Tu Na at Tu Li Ngan. 

Kung pagbabasehan ang social media feed natin, iisipin mong may bagong pelikula si Sponge Bob Square Pants o si Little Mermaid. Ay, hindi po. Tito Eskalera ng Wanbol University strikes again.

At bibigyan ka raw ng parangal, Tito Sen – ang Nobel Fish Prize.

Pero teka, bakit kamo tayo nanlulumo?  

Dahil marami kaming napagtanto: Na sa kabila ng tag-ulan, tuloy pa rin ang walang tubig. 

Na walang rock-solid na makakapitan sa buhay pulitika natin. Pati ba naman ang natitirang pananampalataya ng mga Duterte Diehards na makabayan– oo, authoritarian nationalist daw – si Duterte, ay natibag na rin!

Akala natin ay humupa na ang EJK – lumayo lang pala sa mga mata ng ususero sa Metro Manila at ngayo’y nagkakalat ng lagim sa Central Luzon. Marami kasing tubuhan doon na bagay na bagay na killing fields. 

Pero ang pinakanakawiwindang ay nang sabihan ni Digong ang mga kumokontra sa unconstitutional niyang pabebe sa mga Intsik na ipamunas sa puwet ang Konstitusyon!  

That means war and that piece of paper, the Constitution, would become meaningless with no spirit except desperation, agony, and suffering.” Minsan-minsan lang maging makata ang Pangulo, lintik pa sa sablay! 

Ayon sa mamamahayag na si John Nery, mas talo ang Tsina kung gegyerahin nito ang Pilipinas. Inimbento lang daw ni Duterte ang war bogeyman.

Nangangalahati pa lang si Duterte sa termino sa Malacañang.

Ipinagkanulo na niya ang ating kasarinlan, isinuko ang makasaysayang panalo sa korte sa Hague, nilapastangan ang Konstitusyon, at hindi ipinagtanggol ang inaping mangingisda. 

Para saan? Para pagbigyan ang mga Intsik na basang-basa ang small-town politics n’ya. Mukhang nakahanap ng matinik na katapat si Duterte sa mind games – ang mga Tsino. 

Mabalik tayo kay Tito Sen. Sabi nga ng maritime expert na si Jay Batongbacal, 'yan ang napapala natin sa paghalal ng mga komedyante sa Senado. Kung maaalala ninyo, sumikat ang Sinotto memes noong 2012 – matapos umano i-plagiarize ni Sotto ang isang blogger at isang Kennedy.

Pero thanks, but no thanks, Tito Sen, hindi namin kailangan ng kapos mong lohika upang matawa. Kailangan namin ng isang independyenteng Senadong haharang sa ganitong mga kahibangan.

At kung komedyante si Tito Sen, manggagantso si Duterte. PInangakuan niya tayo ng pagbabago. Bumenta. Pinangakuan niya tayo ng lipunang walang krimen. Bumenta pa rin. 'Yun pala estado ang magiging pinakamalaking kriminal – umabot na umano sa 27,000 ang napaslang sa giyera kontra droga.

Pinangakuan niya tayo ng masaganang ekonomiya – kapalit pala ang dangal, kasarinlan at lahat ng isda sa eksklusibong economic zone ng bansa. – Rappler.com 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>