Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[EDITORIAL] #AnimatED: Kumakahol ang mga tuta sa naghihingalong demokrasya

$
0
0

Bikoy vs Bikoy. ‘Yan ang pamagat ng isang in-depth report ng Rappler ngayong Lunes. Si Bikoy lamang ang kailangan upang matibag si Bikoy. Siya ang nuno ng pinagbuhol-buhol na dila.

At 'yan din ang problema ng gobyerno na tanging umaasa sa statement ng estapador at serial liar na si Joemel Advincula, alyas Bikoy, sa kasong sedition laban kay Bise President Leni Robredo at 35 iba pang taga-oposisyon, kasama ang mga pare at mga abogado.

Umaalingasaw ang pagka-desperado ng bumuo ng kasong ito – ang Office of the Solicitor General (OSG). Oo, ang OSG na ang pinaka-claim to fame ay ang pagpapatalsik sa Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno.

Hindi lamang ito eksperto sa diskarteng ligal tulad ng quo warranto na bumabali sa maraming jurisprudence ng hudikatura. Eksperto rin ito sa paggastos ng pera ng bayan, tulad ng paglulunsad ng mga seminar sa mamahaling lugar at bonggang mga byahe sa ibang bansa.

Ang OSG, ang opisina ng abugado ng pamahalaan ay nagmistulang palo-palong tumutugis sa mga itinuturing na kaaway ng administrasyon kahit sila'y simpleng oposisyon lamang.

Balikan natin ang ipinupukol kay Bise Leni. Sedition. Ayon sa diksiyunaryo ng Komisyon sa Wikang Filipino, ito ay ang kilos o gawaing nanghihikayat ng rebelyon, pag-aalsa, o panggugulo sa katiwasayan. At ang sedisyon na 'yan ay naka-angkla sa kwento ni Lolo Basyong Bikoy.

Bakit malaking dagok sa demokrasya ang mga bintang na ito? Dahil ang pag-iral ng masigabong oposisyon ay haligi ng lahat ng demokrasya. Ang oposisyon ay katunggali — ngunit hindi kaaway.

Paulit-ulit, pinatunayan ng gobyernong Duterte na wala itong pasensya sa katunggali – at handa itong hagupitin ang mga De Lima, Trillanes, at Robredo at drowingan ito ng mga inimbento at kakatwang kaso kapag naiirita na ito.

Ang pagtransporma sa opisina ng SolGen mula abogadong mag-aapila ng mga kaso sa Court of Appeals sa isang witch-hunter ay isang indikasyon ng breakdown ng demokrasya sa Pilipinas.

Bakit ito nagiging promotor ng mga diskarte laban sa oposisyon, habang may isang milyon itong backlog? Bakit mabilis pa sa alas singko ang text ng Solgen na nag-aalok ng ligal na tulong kay Bikoy?

Maraming berdugo sa pamahalaang Duterte – andyan ang mga nagpapatupad ng kampanyang Tokhang. Andyan ang mga sunod-sunuran sa Kongreso na dapat ay independyenteng sangay ng republika. Andyan ang mga abogadong kahihiyan ng kanilang propesyon.

Sabi nga ni dating senador at Free Legal Assistance Group (FLAG) lawyer na si Rene Saguisag, "SolGen should be tribune of people, not tuta of Duterte administration."

Naghihingalo na nga ang demokrasya at umaalingawngaw na ang kahol ng mga tuta– Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>