MANILA, Philippines – Malamang pinakikinggan mo ang podcast episode na ito habang naiipit sa traffic.
Malamang marami ka na ring reklamo habang nagko-commute at tinitiis ang mga pinakamalala na sigurong experience na maaaring maranasan sa lansangan.
Bakit daw kasi walang disiplina ang mga Pinoy? Nag-birthday salubong ka na ba habang nasa biyahe?Nabiktima ka na ba sa "traffic trinity"? Ah, kung di mo alam ang ibig sabihin niyan, dapat makinig ka sa podcast nang may matutunan kang bago.
Samahan sina Chito, Paul, at Michael sa kanilang mga hugot, kuwento, at mungkahi tungkol sa traffic sa bagong episode ng Laffler Talk, usapang minsan may sense, pero madalas wala. – Rappler.com