Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[OPINION] Dalawang tula para sa Buwan ng mga Guro

$
0
0

Titser! Titser! 
ni Louie Andres 

Bakit parang di na ako natutuwa,
sa propesyong kinuha?
Ang hangad ko lamang ay makapagbigay-talino,
pero bakit parang sobra na ang pagod ko?

Isang dakilang larangan daw ang maging guro.
Dapat ay may alam ka sa paksa,
pati kilos at sinasabi mo’y dapat tumutugma.
Mag-submit din ng mga papel na naaakma.

Apat na taon sa kolehiyo ang tutugunan
May masters pa at PhD na dapat ding makamtan
Kapalit ay kakarampot na suweldo,
pati ang oras sa pamilya iyong isasakripisyo.

Dal'wang buwang pahinga ikaw ay bibigyan,
may pa-Christmas break, term break, holidays din naman.
Kaya ang pagliban ay iwasan
Dahil may batang uhaw sa ibibigay mong karunungan.

Ang mga estudyante at colleagues ang nagiging sandigan
“Kapit lang” ang kanilang tinuturan
Mangibang-bansa kaya na lamang,
kung saan mas maganda ang pastulan?

Ngayong Buwan ng Mga Guro,
si EK, Sambo, pati si St. Peter ay ilan lang sa bumati. 
Nagsabi rin ang mga mag-aaral, pati mga kasamang katangi-tangi. 
Ngunit, sa okasyong ito, ano nga ba ang tunay na minimithi?

–––

Magandang Umaga, Paalam
ni Gerald Buso

Buwan ng Hunyo nang mabuo ang bago nating pamilya. Nariyan ang iyong kaba at pangamba, subalit ako nama'y walang mapagsidlan ng tuwa. Tuwa na sa wakas ako'y muling nabuo pagkatapos mawalay sa pamilyang aking nakasama sa huli kong klase na kaysaya.

Isang buwan ang nagdaan nang maramdaman kong tayo'y napapalapit na sa isa't isa. Biro ko't, biro 'nyo'y tila nagkakasabayan na.

Ilang linggo pa ang nakalipas, eto at solid na ang ating pagsasama. Minsan ay sabay sa pananghailan, madalas nagsasalu-salo sa paborito nating halo-halo na taglima. Salamat nga pala kay Christine, sa ibinigay n'yang mangga. Nagmamamahal, ang inyong Sir Kuya.

Araw ay lumipas, talakayan ay patuloy na umaarangkada. Pawis ko man ay tila butas sa bubong ang pagpatak, kailanman ay 'di ininda. Salamat din nga pala sa matamis 'nyong "Goodbye, Sir," kahit ako'y di nakakalabas pa.

Apat na buwan ang niluma ng panahon, puso ko'y nagsisimula nang mangamba. Pangambang 'di ko man gusto'y anim na buwan na lamang ang natitira at ako'y iiwan 'nyo na. Pangambang ako ba'y sa bintana'y dudungawin pa?

Pero kaming mga guro'y magagaling din na artista. Taon-taon mukha lang masaya, pero puso nami'y nagdurugo sa tuwing naiisip na lahat ng nabubuong pagsasama ay hahantong din sa pag-iisa.

Buwan ng Marso, hudyat ng inyong paglisan sa minsang nabuo nating pamilya. Nariyan ang iyong tuwa, sa wakas, ikaw ay nakapasa. Subalit ako nama'y walang kasidlan ng pangamba. Pangamba na ako'y muling mag-iisa pagkatapos ng sampung buwan nating pagsasama. 

Rappler.com

Louie Andres is a pseudonym for the author, who is a teacher. 

Gerald Buso is a Grade 7 teacher from Biliran National Agricultural High School, a public school in the Province of Biliran. He has been teaching for 3 years, and no longer sees his profession as a source of income, but a source of joy every single day. 

 

 

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>