MANILA, Philippines – Nalalapit na ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games o SEA Games, na gaganapin dito sa Pilipinas, pero tila hindi ang mga palaro ang naging mainit na usapan.
Nagliyab ang isyu ng cauldron o kaldero na sisindihan sa pagsisimula ng SEA Games. Marami ang nagsasabing overpriced ito sa P50 million. (READ: ‘Kaldero ng Diyos’: Netizens shocked by P50-million SEA Games cauldron)
Sapat ba o sobra ang ginastos sa kawa? Kumusta na rin kaya ang SEA Games mascot na si Pami?
Nagbabalik si Margie ng Rappler social media team para samahan sina Paul, Chito, at Michael sa bagong episode ng Laffler Talk. Alamin din kung alin-alin pang mga aspekto ng SEA Games hosting ang tinipid at ginastusan ng gobyerno.
Mapapakinggan ang episode sa SoundCloud, Spotify, iTunes, o kung saan man kayo nakikinig ng podcasts. – Rappler.com