Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Nang binisita ng isang anghel ang mga lumad

$
0
0

Mga 2009 noong nag-exposure trip kami ni Angel sa Lianga, Surigao del Sur, sa pakikipag-ugnayan sa Rural Missionaries of the Philippines at sa Promotion of Church People's Response.

Tumuloy kami sa ALCADEV alternative school sa komunidad ng mga lumad. Naging mainit ang pagtanggap nila sa amin. Walang kuryente at telebisyon doon, kaya hindi kilala ng mga tao si Angel (maliban dun sa isang bata na napanganga sa tapat niya dahil kamukha daw siya nung artista na nasa cover ng notebook nya).

Mahusay ang sistema ng paaralan. Sinasanay nila ang kanilang mga mag-aaral na hindi lang basta matutong magbasa, sumulat, at magbilang kundi magkaroon din ng siyentipiko at kritikal na pag-iisip, maunlad na kaalaman sa agrikultura, at oryentasyong maglingkod sa komunidad at bansa.

Doon, ang mga bata ay nakatira sa dorm ng paaralan para matiyak na hindi sila mahihirapang maglakad nang milya-milya sa bundok patungong paaralan, at matiyak rin na masustansya ang kanilang mga kinakain. Ang distansya, kakulangan sa nutrisyon, at kahirapan kasi ang mga karaniwang sumasagka para makapagtapos sila sa pag-aaral.

Sa umaga ay lumalahok sila sa produksyon para gamitin ang kanilang kaalaman sa siyentipikong agrikultura. Meron silang mga gulayan, palayan, maliit na palaisdaan, babuyan, manukan, filtration system na pinagkukuhanan ng malinis na tubig, at iba pang mga pinagmumulan ng kabuhayan para masustena ang pangangailangan ng mga mag-aaral at komunidad. 

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Binibigyan din ng aralin ang mga magulang upang makasabay sila sa kaalaman ng kanilang mga anak. Ang mga kababaihan ay sinasanay din sa paggamot at pagpapaanak dahil malayo ang komunidad sa hospital.

Ang komunidad ng mga lumad ay may sariling mga pamamaraan din sa pamamahala. Iginagalang nila ang mga nakatatanda at may mga grupo ng matatanda na tumutulong sa pamamahala. Hindi man kasing kumplikado ng katulad sa atin, mas epektibo naman ito at nakikiisa ang mga tao rito.

Lahat ay sumusunod. Halimbawa nito ay ang pagbabawal nila sa pag-inom ng alak upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad. Mula nang ipinatupad ito ay zero crime rate na sa komunidad.

Subalit sa kasalukuyan, nakakaranas na sila ng mga krimen tulad ng mga pagpaslang, panggagahasa, pangha-harass, at pagpapalayas ng mga miyembro ng militar. Ang mga dapat na nagangalaga sa kaayusan at tagaprotekta ay sila pang naghahasik ng kaguluhan at yumuyurak sa karapatan ng mga lumad.

Itinataboy ang mga lumad mula sa lupaing minana nila sa mga ninuno para pagminahan ito ng malalaking korporasyon. Kahit matanda o bata ay hindi iginalang. Wala silang patawad. Winasak nila ang tahimik, simple, at masayang pamumuhay ng mga lumad, maging ang kinabukasan ng mga bata at pagsisikap ng komunidad na umunlad. 

Nang mabalitaan ko ang nangyaring pagpatay sa executive director ng ALCADEV, sa isang lumad leader at sa isa pang katutubo, binalikan ko ang mga alaala ng Lianga. Binalikan ko ang masayahing mga mukha sa mga litrato. Ngayon ay napalitan na marahil ng hinagpis. 

Naalala ko pa nung pinagsalita kami isa-isa sa isang programa. Naubusan ako ng sasabihin kasi gabi-gabi naman halos ay may program kung saan pinagsasalita rin kami. Kaya ang nasabi ko, "Sana po ay magtagal pa kayo...(mental block)...sa mundong ito..." At nagtawanan sila nang malakas.

Photo by Angela Colmenares-Sabino

 

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Photo by Angela Colmenares-Sabino

Rappler.com

Si Angela Colmenares-Sabino, isang environmentalist, ay nakatatandang kapatid ng aktres na si Angel Locsin. Nakiisa ang aktres sa #StopLumadKillings campaign matapos mabalitaan ang kalagayan ng mga katutubong dati nilang binisita sa Mindanao.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>