Pakinggan din sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts
MANILA, Philippines – May date ka na ba sa Araw ng mga Puso? Kung wala pa, na-try mo na bang maghanap sa dating apps?
Valentine's Day man o hindi, marami na ang gumagamit ng dating apps tulad ng Tinder at Bumble para mahanap ang kanilang "The One." Gamechanger ba ang mga dating apps? Nagbago na ba ang "searching" rules online? O tulad pa rin ba ito ng dating suyuan at ligawan?
Sinamahan nina Bea ng Lifestyle and Entertainment section, at Sofia ng Social Media Team, sina Chito, Michael, at Paul para pag-usapan ang new school at old school techniques sa pag-ibig.
Heto ang ilang excerpts mula sa podcast:
Michael: Meron ba kayong plano sa darating na Valentine's Day?
All: *3-second silence*
Bea: May day-sary (day anniversary), week-sary, uy, totoo.
Paul: Dati, sa amin, nung bata ako, ano lang sa amin eh, nursery.
Paul: Parang si Sir Chito, hindi na dating app iyong sina-swipe eh: credit card.
Chito: Hindi pala ako familiar diyan sa dating app, kasi ang naabutan ko lang, Dating Daan.
Sofia: Kapag date kasi, may romantic intentions...Iyong amin, siguro mas appropriate tawaging meet-up.
Chito: (tawa) Binentahan ng sapatos pala!
– Rappler.com