Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[REFLECTIONS] Silence is the language of love

$
0
0

It's a first in world history: an online Holy Week for millions of people, even in Vatican City, due to the coronavirus pandemic. Rappler presents a series of reflections to help you, our reader, enter the spirit of Holy Week even in quarantine.

HOLY WEEK. A Catholic devotee prays inside the San Felipe Neri Parish in Mandaluyong City on Holy Wednesday, April 8, 2020. Photo by Angie de Silva/Rappler

At one point almost breaking into tears, Archbishop Socrates Villegas delivered a homily on Good Friday, April 10, reflecting on the virtues of silence and simplicity as the world battles the COVID-19 pandemic. Here is our transcript of Villegas Good Friday homily. The video is also embedded here.

Mga minamahal kong kapatid kay Kristo, tahimik ang simbahan. Tahimik din ang Dagupan. Hindi naman ito pangkaraniwan, sapagkat ang katahimikan ay kasama sa Biyernes Santo. Subalit hindi pangkaraniwan ang katahimikang ito sapagkat tatlong linggo na tayong ganito, at maghihintay pa uli ng dalawa pang linggo na ganito ang katahimikan. Napakahabang Biyernes Santo.

Ang katahimikan ay kasama sa pag-alala ng Biyernes Santo, kaya minsan ay binabanggit natin sa kaibigan, “Bakit ka tahimik, para kang Biyernes Santo?” Iba’t ibang uri ang katahimikan. Mayroong katahimikan ng walang pakialam – tikom ang bibig, walang pakiramdam. Katahimikan 'yon. Mayroong katahimikan ng duwag, parang aso, bahag ang buntot. Tahimik, nanginginig sa takot. Mayroong katahimikan ng pagtatago. Iba’t ibang uri ang katahimikan. Subalit ang mga katahimikang ito ay hindi katahimikan ng Biyernes Santo. 

Sana ang katahimikang pinagdaraanan natin ngayon ay hindi katahimikang walang pakialam, hindi katahimikan ng takot. Sana ito ay katahimikan na bumubukal sa pagmamahal, sa pag-ibig. Sapagkat ang mga tunay na nagmamahalan ay sa katahimikan nag-uusap.

There is a certain depth of love that the words “I love you” cannot contain. Because the because language of love is silence. You say it best when you are silent. And you look at your loved one, and words aren’t adequate to express the depth of your love. Silence is the language of love. Silence is the language of lovers. Because silence is the language of God. 

At 'yung katahimikan ng Biyernes Santo ay hindi katahimikan ng walang pakialam, hindi katahimikan ng takot, kundi katahimikan ng buong pagmamahal. Kaya walang salita sa ibabaw ng lupa na maaaring maglaman ng pagmamahal na gusto nating ipahayag. Kaya katahimikan na lamang ang gagamitin natin, sapagkat walang salitang lalabas upang ipahayag ang lalim ng ating pagmamahal. 

At 'yung katahimikan ng Biyernes Santo ay hindi katahimikan ng walang pakialam, hindi katahimikan ng takot, kundi katahimikan ng buong pagmamahal. Kaya walang salita sa ibabaw ng lupa na maaaring maglaman ng pagmamahal na gusto nating ipahayag. Kaya katahimikan na lamang ang gagamitin natin, sapagkat walang salitang lalabas upang ipahayag ang lalim ng ating pagmamahal. 

Ang katahimikan ng ating quarantine, ang katahimikan ng ating isolation sa bahay – “stay home” – anong uri ito? Kung tayo ay tahimik at hindi nagsasalita, sana ay hindi dahil takot mahawa, kundi dahil nagmamahal sa kapwa. Sapagkat ang katahimikan ay hindi lamang galing sa takot. Ang katahimikan ang tuktok ng pagpapahayag ng tunay na pag-ibig. I say it again: There is a certain depth and height of love that the words “I love you” will not be able to express. But silence has the capacity to express that. And that is the silence of Good Friday.

Hindi lamang tahimik. Kapag tiningnan natin ang altar, hubad. Walang takip, walang bulaklak, walang kandila. Hubad. May iba’t ibang uri ng kahubaran. Ang sanggol ay hubad subalit nakakatuwang tingnan, pero mayroon ding hubad katulad ni Bathsheba na nakita ni Haring David, at ang hubad na ito ay tukso, kahalayan, malaswa. Mayroon ding hubad na dulot ng pag-inda ng sakit – mga pasyente sa ospital, hubad sa pangkaraniwang damit. Ang Panginoon ay hinubaran. Hindi katulad ng sanggol na ipinanganak ng birhen at kanyang hinalikan nang buong pagmamahal, at sinabing, “My Child, my Lord.” Hubad ang Panginoon, hubad ang altar, at ang hubad na ito ay hubad ng katotohanan.

Anong ibig sabihin? Kailangang maghubad sapagkat mali ang damit. Kailangang maghubad sapagkat sobra-sobra ang damit. Kailangang tanggalin ang damit sapagkat sa paglipas ng panahon ay hindi na nagdadamit para takpan ang katawan. Ang damit ay naging dahilan na para palakihin ang ulo, para maging tukso sa kapwa-tao, para makalimutang ang katawan ay templo ng Diyos. 

Stripped naked

My dear brothers and sisters, COVID-19 quarantine has also stripped us naked. Sapagkat ang damit na sinusuot natin ay hindi na damit para sa tao kundi damit para sa ating kayabangan, damit para palakihin ang ating ulo, damit na upang maging mas maganda ako kaysa sa iba. Dinamitan tayo ng Panginoon ng kabanalan, subalit dinadamitan natin ang ating sarili ng kasalanan. Dinamitan tayo ng Panginoon at hinugasan sa kasalanan, at dinamitan ng puti, subalit isinasaintabi natin ang puti: “Hindi bagay sa akin.” At ano na ang aking suot? Kung ano ang gusto ko.

Ang pagsusuot ng damit ay sumasagisag sa pagsusuot ng kabanalang tinanggap natin nang tayo ay binyagan. At ngayon, para tayong nahubaran. 'Yung ating kinakapitan, lumuwag sa ating kapit. Wala na tayong makapitan. Para tayong nalulunod sa gitna ng dagat; wala na tayong makapitan. At kapag dumating ang pagkakataong 'yon, kapit lang sa Panginoon, at siya uli ang magdadamit sa ‘yo nang tama. Upang ma-realize natin na kabanalan lamang ang dapat naging isuot. Hindi dekorasyon.

Our body was not meant for vanity. It was given to us for holiness. Our body is not ours. Our body belongs to God. Our body is temporary. There is something more important than your beautiful body, and it should be the beauty of your soul. Take care of your soul, take care of your body. Darating ang panahon, dadamitan tayo ng embalsamador, o baka hindi na tayo puwedeng damitan sapagkat dadalhin na lamang tayo para sa cremation upang maging abo. Kapag dumating ang pagkakataong 'yon, ano ang damit na isusuot natin pagharap natin sa Diyos?

There is only one vestment that we need: it is the vestment of righteousness, it is the vestment of holiness. Ang araw na ito ay tahimik, ang araw na ito ay hubad sa dekorasyon. Ang araw na ito, dahil hubad sa dekorasyon at tahimik, ay araw na malungkot. Malungkot. Libo-libo na ang patay sa buong mundo, at sana huwag nang tumaas ang bilang ng patay na Pilipino dahil sa COVID-19. Sana tumaas na ang bilang ng gumagaling na Pilipino mula sa pandemyang ito.

Beyond COVID-19

Maraming dahilan para malungkot – malungkot dahil namatayan, malungkot dahil may problema. Meron ding lungkot 'yung mga inggitero. Meron ding lungkot 'yung seloso at selosa. Subalit merong isang lungkot na nagpapabanal. At the sunset of our lives, our only regret should be that we have not loved enough. Our only sadness should be that we have not loved enough. 

Kung sa dapit-hapon ng ating buhay ay wala tayong lungkot, wala tayong panghihinayang, sapagkat alam natin, katulad ng ating mga frontliners na nahawa at sumakabilang-buhay na naglilingkod, alam natin na sa bawat sandali na ibinigay sa atin ng Diyos ay wala tayong inaksaya para sa ating sarili, na bawat sandaling ibinigay sa atin ng Diyos ay ibinigay ko para sa aking kapwa-tao, wala kang dahilang malungkot.

Malungkot kayang namatay si Hesus? Tiyak na tiyak akong hindi. Sapagkat alam ni Hesus na lahat ng ibinigay na kapangyarihan sa kanya ng Ama ay ginamit niya para sa ating kaligtasan. That should be our death – when we will not regret that we spent a moment for ourselves, we will not be sorry that we have not loved enough. Sana ang kalungkutan na maramdaman natin ay 'yun lamang kalungkutan na nagkulang ako sa pagmamahal, at kung meron pang panahon ay magmamamahal ako ng dagdag pa hanggang sa aking huling hininga.

My dear brothers and sisters, it is Good Friday. It is a sad day. But be sad only because you have not loved enough. It is Good Friday. The altar is stripped, and the church has no decoration. Remember you don’t need any decoration, because the only crown that you need is the reward of heaven. The church is quiet. Let us relish this silence, because there is only the language of silence that can best express our love for the Lord, which the Lord also uses to express his love for us. 

Beyond COVID-19, beyond Good Friday, may we appreciate silence. Beyond COVID-19, beyond Holy Week, may we learn simplicity of life. Beyond this pandemic and unto life everlasting, may our only regret and sadness be that we have not loved enough. If you love like Jesus, if you serve like Jesus, if you live like Jesus, what is there to be sad about? 

Lord, thank you for speaking to us in silence. Thank you for teaching us the greatness of simplicity. Thank you for dying happy because you have loved us. Thank you, dear Lord, thank you so very much. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>