Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[OPINION] Ang saya neto, gago!

$
0
0

Dumarami ang sumasali sa FB groups sa kakaibang panahon na ito. Karamihan ay nakababagot at kumakalabit sa gatilyo ng alta presyon. Pero marami din dito ay may mga rules na kakaiba, kakatwa, nakakatuwa pero binibigyan nito ng bago't mas masiglang anyo ang micro discourse.

Sa 30+ araw na lockdown, nakakulong sa loob ng bahay ang malilikot na isip ng mga tao, di lang sa Pilipinas kundi sa ibang parte din ng libro.

Halimbawa, sa grupong Sarap Neto Gago, lahat ay inaasahang magyabang sa kanyang nakain, at magpost ng larawan nito.

Basahin ang group rules ng Sarap Neto Gago:

"BASA MUNA TAYO MGA GAGO (RULES AND REGULATIONS)!

• Ang page na ito ay para sa mga MATATAKAW NA GAGO!

• Pwedeng mag-mura, pwedeng makipag murahan pero in a nice way.

• Bawal makipagtalo sa post ng may post, kumabaga wag kang EPAL!

• Pag kontra ka sa isang post gawan mo ng SHOWDOWN post. Dun pwede magtalo lahat ng GAGO(in a nice way)!

• Sa proseso ng pakikipagtalo walang damayan ng magulang, kapatid, o kamaganak. Medyo SKWATER kasi pag ganun. GAGO sa GAGO lang.

• Bawal mag SEND NUDES aka sapnu puas.

• Ilagay kung saan yung lugar na kinainan mo, para pag merong GAGO na napadaan dun masubukan nya din, wag ka SELFISH!

• Bawal iyakin, pikon, SNOWFLAKES DITO! OUT! OUT! OUUUUT!

• Magbigay ng konti(kahit konti lang) na respeto sa kapwa GAGO."

Malinaw na malinaw ang regulasyon kung nais mong makisali sa taltalan o micro diskurso. Ang nakakatuwa, marami o halos lahat ng 2,000 + na miyembro nito ay sumusunod sa mahigpit na regulasyon (sinisipa sa grupo ang nanggagago sa ibang miyembro). Ito ang dahilan ng matagumpay at masigla nilang payabangan sa mga nakaing pagkain (sa restoran man, o sa gobyerno).

Ang isa pang halimbawa ko, sa Facebook din, ay ang grupong Online Walang Pansinan. Heto ang group rules (patawad sa pasigaw na All caps):

"PANUNTUNAN NG ONLINE WALANG PANSINAN

BAWAL ANG ANO MANG URI O PARAAN NG KOMUNIKASYON, INTERAKSYON O PAKIKIPAG-USAP.

PWEDE MAG KWENTO; BAWAL MAG KWENTUHAN

PWEDE MAG MURA; BAWAL MAG MURAHAN

PWEDE MAG PAPANSIN; WALANG PANSINAN

BAWAL MAG-AMOK O MAGHAMON NG AWAY

BAWAL ANG BASTOS, BAWAL ANG MAMBASTOS, BAWAL BASTUSAN.

** 1 REACT ( like, heart/love, haha, wow, sad, angry ) OR 1 COMMENT sa post ng iba o sa sariling post = BAN (no more warnings)

*** Maging ang mga Admin ay hindi maaring mag "React, Comment o Mention."

Maari lamang ang mga admin mag “mention" kapag mag-aanunsyo ng paglabag sa panuntunan ang isang miyembro. "

Mas matindi ang regulasyon dito sa Online Walang Pansinan – diskurso sa kontra diskurso. Isa ito sa pinakamapayapang site sa FB.

Kung mamaliitin ninyo ang mga kabuangan ng taltalan sa sites na ito, huwag. Tingnan ang nangyari sa orihinal na FB Online Rambulan, isang site na free for all at outlet ng marahas na hibo ng kabataan: diumano isinara ito at ipinagbawal ng NBI Cybercrime Division at nga Facebook mismo dahil sa sobrang mararahas na photos at videos.

At gaya rin ng kakulitan ng walang takot na kabataan, matapos i-lockdown ang group, nagsulputan ang mas marami pang Online Rambulan.

Para sa inyong pag aaral, pananaliksik, at kasiyahan, narito pa po ang ilang virtual tribes sa FB groups:

• UTAK MO MAY UBO

(Normies not allowed pambatikos sa White Knights at feeling political analysts; 655 members)

Ilan sa Group Rules:

- Kung may napost ka na maraming nagalit panindigan mo at dapat labanan mo ang basher mo.

- Hahahaha Tawa lang tayo sa mga normies. (Boom)

- Paramihin natin ang bumabatikos para kumonti ang kansers

- Wag puro nakaw kapatid. Matuto kang gumawa ng sarili mong content at wag kalimutang maglagay ng OC or watermark sa post mo.

Narito pa ang ilang halimbawa:

*Quarantine Landian

(Safety landian para iwas masaktan. Members 13,000)

*Samahan ng mga Walang Samahan

(Rules: Para makasama ka dapat wala kang samahan. Members 27,000)

*Online Landian Bawal Ma-fall

(Rule 1: Bawala ma-fall...masasaktan ka lang din; 24,000 members)

*Online Lambingan

(Rules: Bawal bastos malambing lang ang pwede. Stay home para di na kumalat ang virus. Members: 235,000, average post 5k a day)

*Samahan ng Single Parents Na Gustong Magmahal Nang Tapat

(It's a family and friendship group. Members: 284,000 with their own set of officers)

*Karera ng Kalabaw 2020

(Members 4,100)

*Samahan Ng Mga Hirap Mabuntis

(Members 12,000. Public group)

*Samahan ng mga Hiwalay sa Jowa at Asawa na Gustong Magmahal Muli (Members 94,000)

At maraming marami pang iba (Kulang ang espasyo ng Rappler hehe)

Ganito din sa ibang bansa, foreign FB group examples:

*A Group Where We Pretend To Be Patients in a Mental Ward (2,000 members)

*A Group Where We All Pretend To Be Middle Aged Dads (38,000 members)

Kung di ninyo makita ang koneksyon ng kagaguhang micro diskurso sa nangyayari sa lipunan, manhid o sadyang supladong paintelektuwal kayo, dahil ang mga kagaguhan na ito ay mismong realidad sa kamalayan ng kabataan, bagaman di lamang ito ang kanilang ginagawa – halos kasindami din nito ang mas "normal," walang patalinghaga, padebateng banatan at diskusyunan, di lang sa pulitika kundi hanggang sa pinaka ordinaryong bagay gaya ng tamang pagkukulay ng buhok at make up. Para sa walang sense of humor and irony, doon po kayo magbasa.

Dapat ding seryosohin ng Communication experts and spin doctors ang nakakabuang na mga virtual groups na ito, una ay bilang tipanan ng malalaking bilang ng online users na pinapayagang abutin ng algoritmo ng FB, at ikalawa, bilang barometro ng pasensya at edge ng imahinasyon ng tao.

Sa panahong may hawak na sinturong panghampas ang ama-amahan, ang pobreng anak ay nananahimik o tahimik na nag-iipon ng kimkim na galit.  Minsan itinatago sa matalinghagang isip at salita, minsan sa kakulitan o mapang uyam na pagbibiro (sarcasm), sa child psychology, "acting out."

Damang dama ito sa pulso ng kabataan kapag uuriratin sa ganitong salamin ang mga pabebe, uratan, tuksuhan, rambulan, hugot, charutan sa micro blogs at post sa social media.

Isang experto sa komunikasyon ang makakabasa ng subtext at implikasyon ng ganitong micro diskurso. Sub-tribal at may exclusibong lengguwahe na sila lang ang makakaunawa. Ito ay generational; hindi ito maagagap ng mga may edad 40 pataas, ng mga Titos and Titas, o sa lengguwaheng millenial, mga Boomers.

Buang man o buang buangan, ang mga nakakagagong mala-komunidad na ito ang makapagsasabi kung kaya pa ng Pinoy ang kanilang dinadanas sa araw araw. May kakayahan ito na silipin ang tuktok ng kasosyalan at fashionistang pananawa, at yumukod sa buhay at kalalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Gets nila si Beyoncè at Mang Kanor, Quiboloy at hokage (parang pareho yun ah). From Kardashians to Aling Bebang real quick.

Sila ang bagong tagapagbago, kung magkakaisa sila ng artikulasyon.

Sa ngayon, tumatawa pa sa kakornihan at kabastusan o gagohan ang mga kabataang Pinoy, dahil kapag huminto na sila sa pagtawa, at nagbanlaw na mula sa burak ng kababawan, mauunawan na nila ang natutuhan ng mga naunang henerasyon – ang aral ng "social pandesal"

Sa panahong mainit pa ang ihip ng pangyayari kaysa sa nagbabagang hurno, ito ang katotohanan ng panlipunang panaderya – nawawalan ng tinapay sa mesa pag di umaalsa ang masa. – Rappler.com

Muntik nang masipa sa UST Sociology si Jim Libiran dahil sa kakulitan. Dahil God-given talent daw nya, naging trabaho niya ang kakulitan, sa journalism at sining. Wala siyang ambag sa lipunan. Ang chismis, binayaran lang nya ang ROTC sa college. Siya po ang nagsulat ng biography na ito.

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>