Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[OPINION | Stakeout] Alay sa mundo ng Pinoy musikero

$
0
0

Sa gitna ng pananalasa ng coronavirus, ang dating maingay ngunit masayang pagtitipon na halos araw-araw ginagalawan ng mga musikerong Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo, ay napalitan nang matamlay na kuwentuhan sa chat room ng social media kung paano nila susuungin ang mga paparating pang sigwa. 

‘Di nagtagal, ang huntahan sa internet ng mga jobless na Pinoy musikero – na ang kadalasang gamit lang ay ang smart phones o laptop – ay naging madamdaming “online jamming” na ang pinakadulo, ay ang pagkakabuo ng “inspirational song” na "Himig ng Pag-asa" na isinulat ni Willy San Juan, premyado na antigong musikero, composer at arranger.

Umabot sa 43 mga musikerong Pinoy na ang karamihan ay nasa ibang bansa, ‘yung iba naman ay nasa iba’t ibang lugar dito sa ating bayan, ang sumali sa “online jamming” – kani-kanyang video ng rendition ng komposisyong ni Maestro Willy, na nang matapos ma-edit at mabuo ay may habang 3:38 minutes.

Si Lodi Heber Bartolome nga, ‘di inalintana ang karamdaman at nagpadala pa rin ng kanyang kontribusyon (recorded video ng isang bahagi ng awitin) sa proyektong ito ni Maestro Willy, na inabot ng halos dalawang linggo bago nabuo.

Ayon kay Willy: “Natapos nang maayos ang music video kahit ordinaryong computer ang hawak ko at hindi masyadong matatag ang gamit kong software. Ang mahalaga ay may naipakita tayong mga Pinoy musikero na ‘obra’ sa panahong ito ng pandemic.” (READ: 'My craft is my only source of income': Being a freelance creative during a pandemic)

Ramdam ko naman na isang paraan ito ng mga kaibigan kong musikero – madalas kong ka-jamming ang karamihan sa kanila kaya nakasama ako sa video bilang isang harmonica player – upang iparating sa mga kinauukulan ang tila ‘di nabibigyang pansin na kalagayan ng ating mga working Pinoy musician, na karamihan, ay jobless ngayon, dahil sa pagpapatupad ng mga total lockdown halos sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kung saan ang mga ito ay may tinutugtugan.

Mahirap itatwa na ang mga musikero ay may malaking papel sa pagbibigay kasiyahan sa mga mahalagang pagtitipon sa buhay ng mga tao. 

Ang nakalulungkot na bahagi rito, sa panahong gaya ng nararanasan nating lahat sa ngayon, tila walang kadamay ang ating mga musikero. Sa wari ko’y wala man lang naka-aalala sa kalagayan ng mga ito sa ngayon! 

Bagkus, sila pa ang nagbigkis-bigkis sa pamamagitan ng internet at binuo ang paghahandog na ito – "Himig ng Pag-asa," para sa mga tao sa buong mundo na lumalaban sa COVID-19 pandemic!

Ang mga musikerong naging bahagi ng paghahandog na ito ay sina:

Allan Escoto, musikero, Macao 
Ammi Maranan, percussionist,
Arriane Butch, singer/child actress, Quezon City                                                                    
Baby Anne Franco, singer, Valenzuela
Bing Villamor, folksinger, Malaysia
Bon Bunales, singer/guitarist, U S A
Carlo Yanesa, music researcher ABS-CBN
Charlie Caringal, musikero/arranger, Thailand
Dan Back Beat, folksinger, Bulacan     
Dave Veridiano, harmonica player/journalist, Quezon City
Donalyn Capangpangan, singer, Macao
Elger Banilla, folksinger, Japan
Elsa Veloso, singer, Misamis Or.
Gene Lucena, folksinger, Manila
George Terrencio, folksinger , Dasmariñas, Cavite 
Heber Bartolome, composer/recording artist
James Soler, acoustic singer, Pasay
Jen Lupina, voice coach, Dasmariñas, Cavite
Jonjon Martinez, musikero, Vietnam
Joseph Banot, bass guitarist
Kat Zamora, singer, Bulacan             
Leo Romero, singer/composer, Caloocan
Leo San Juan, violinist
Leonard de Leos, folksinger, Bulacan
Lyra Raposa, singer, Albay
Maely Ann San Juan, singer/violinist, Manila
Maribeth, folksinger, Boracay
Mario Borje, pianist/arranger, Makati
Marlon Sedino, folksinger, Germany
Morris Ampersiy, international artist, Vietnam
Mulong Florencio III, bass guitarist, Quezon City
Nahsh Maquiling, singer/composer, Cebu
Ogie Alvarez, folksinger, Quezon province
Pete Canson, sax player, Quezon City
Rene Vega, folksinger, Quezon City
Rey Magtoto, bass guitarist/arranger, Davao City
Ronald Parungao, acoustic singer, Rodriguez, Rizal 
Ronnie Manuel, musikero, Cainta
Tala, singer/radio broadcaster, Oas, Albay
Tim Torre, folksinger, Caloocan
Trezza Rubio, singer, Marikina          
Verna Canon, recording artist, Hawaii

– Rappler.com

Dave M. Veridiano has been a police reporter for 30 years. He is a former senior news desk editor and currently writes a column for a daily tabloid.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>