Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Dear Duterte voter: 'Di gumagana ang drug war

$
0
0

Kung ang una mong reaksyon sa title ko ay “Bayaran!” please stop reading. Hindi ito para sa mga troll na ginagamit ang Duterte campaign para magmura at mang-insulto. Madaling maniwala, lalo na 'pag galit. Ang gusto kong kausap 'yung mga willing mag-isip. 

Alam kong malaking problema para sa mga Duterte supporter ang droga. Siguro may kapit-bahay kang adik o baka mainit ang dugo mo sa rugby boy. O baka araw-araw kang pasahero ng bus driver na naka-shabu. I get it. Sa sobrang inis mo, gusto mong patayin ang mga mokong na 'yan. Basta, tapusin na. Pikit na lang 'pag may dugo. 

Siguro nga hindi pa nasusubukan ng Pilipinas ang all-out war against drugs. Pero sa tingin mo ba dahil lang ito sa kakulangan ng political will? Dahil lang walang kamay na bakal? Well, ito ang balita, p're: hindi gumagana ang all-out drug war. Gumagasta ka lang ng malaking pera, marami ang namamatay, pero marami pa ring naka-shabu. 

Paano natin nalaman ito? Kasi 'sang katutak na ang bansang sumubok ng drug war at nagsayang lang sila ng pera at buhay. Kapag may kausap akong Duterte supporter, tinatanong ko sila: meron ka bang alam na all-out drug war sa kasaysayan ng mundo na gumana? Wala silang ma'sagot. Liban na lang siguro sa Davao. 

Pero 'tol, teka lang, hindi bansa ang Davao City. Madaling palayasin ang pusher sa Davao City at papuntahin sa karatig-lugar. Kung takot silang mamatay sa Davao, mangangapit-bahay lang sila, ligtas na buhay nila. Hindi nito nilulutas ang problema, tinatabunan lang.

At tandaan: Davao is a city; Mayor Duterte is running to be president of an entire country. Name me a single all-out national drug war that has worked, and I will vote for Duterte. 

Since 1971, $2.5 trillion na ang ginasta ng US sa tinawag ni Richard Nixon na “total war on drugs.” Pero mismong si Pangulong Bill Clinton ang umamin na kahit pinatupad niya ang giyerang ito, wala nangyari. “If all you do is try to find a police or military solution to the problem, a lot of people die, and it doesn’t solve the problem,” sabi ni Clinton. Kung ang Amerika na mismo na pagkarami-raming pera at pagkalaki-laki ng police force, hindi magiyera ang droga, paano pa kaya tayo? 

Para kasing kabote and drug lord at drug pusher. Basta merong kostumer, hahanap sila nang hahanap ng paraan. Kahit patayin ni Digong ang mga drug pusher, hindi sila mawawala. Malaking pera kasi ang drugs at meron laging handang sumugal ng buhay nila para sa k'warta. Also, may economic angle ito, 'tol: kung marami kang pinatay na pusher, panandaliang kokonti ang supply ng droga. 'Pag nangyari 'yun, tataas ang presyo ng droga. 'Pag tumaas ang presyo ng droga, mas maraming susubok magbenta ng droga kasi mas marami ang kanilang kita. Ito ang tinatawag na deadly cycle. 

Pero ito ang pinaka-scary: Nang giniyera ng mga utak-pulbura ang drugs sa Peru, Colombia, at Mexico, nag-armas ang mga drug lord bilang tugon. Kung dati mga manggagantso lang sila, bigla silang naging mga warlord. Sa tingin 'nyo ba kasi hindi papalag ang mga kartel, sa dinami-dami ng perang pinuhunan nila riyan? 

Ang karahasan ay nanganganak ng mas marami pang karahasan. Halos 60 years na ang all-out drug war sa Colombia. Sa panahong ito, marami na silang inihalal na parang Mayor Duterte: mga lider na handang pumatay ng drug lord at kriminal. Ano ang resulta? 

220,000 taong patay. Hindi lang drug lord, kundi mga inosenteng tao. At ang mga drug lord at kartel? Andyan pa rin. 'Yun nga lang, armado na sila at handang pumatay ng pulis, sundalo, at sinumang kaaway. Gusto 'nyo bang magaya sa Colombia ang Pilipinas? Madaling sabihin “Kill the drug lord!” Pero kaya mo bang panindigan 'yan for 10 years? 20 years? 30  years? 100 years? 

So, paano na? Paano na natin tutugunan ang problema ng droga? Tugunan natin ang puno't dulo nito: kahirapan. Hangga’t merong mahihirap na batang malungkot at desperado, hindi kokonti ang mga pusher at user. Hangga’t hindi natin nasisiguro na nasa esk'wela ang bata at hindi nasa kalsada, hindi mawawala ang shabu. 

Magabal ba itong prosesong ito? Nakakainip ba? Sure. Pero kung walang tiyaga, walang nilaga. At ang ulam ng mga apurado? Dinuguan. – Rappler.com 

Si Lisandro Claudio ay affiliated assistant professor sa Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University, at research associate sa Institute of Philippine Culture

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>