Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

#AnimatED: Millennial, paano ka apektado ng martial law?

$
0
0

Twenty-something ka ba? 'Di ka pa ipinapanganak nang naganap ang batas militar. Narito ang 7 dahilan bakit apektado ka ng madilim na yugto ng kasaysayan.

1. The Butcher.Si Jovito Palparan aka “Berdugo” ang Johnny-come-lately sa kapatiran ng mga torturer. Siya ang itinuturong nagpadukot at nagpa-torture sa mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan and Karen Empeno noong 2006.

Produkto si Palparan ng mahabang rekord ng abduction, torture, at summary execution ng pulis at militar sa ilalim ng batas-militar. Halos 50,000 ang dokumentadong kaso ng pang-aabuso sa karapatang pangtao noong panahon ng martial law; 75,000 ang nag-apply na claimant bilang biktima ng martial law.

1973. Isang 23-year-old na editor in chief ng student publication ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang dinukot, ginahasa, at pinainom ng muriatic acid. Siya si Liliosa Hilao. 

1973. Buntis nang inaresto ng militar ang dating UP student at women organizer na si Maria Lorena Barros. Nakunan siya sa tindi ng torture. 

1983. Inautopsya ng isang doktor ang katawan ng kapwa niya doktor. Ang konklusyon: bali-bali ang buto at malinaw na pinahirapan. Ang biktima ay ang bantog na researcher ng kanser sa UP Philippine General Hospital na si Dr Juan Escandor.

1984. Bago mawala, under surveillance si La Salle student Immanuel Obispo. Natagpuan siya ng kanyang pamilya sa ospital, matapos masagasaan ng tren, putol ang isang paa at agaw-buhay. Namatay siya kinabukasan. Hinihinala na dinukot si Obispo, tinorture at sinet-up ang kanyang pagkamatay.

 

2. Impunity. Exemption from punishment. Sa Filipino: hindi masisingil ng batas. Sariwa pa sa henerasyon natin ang 2009 Maguindanao massacre, ang walang habas na pagpatay sa 58 sibilyan at mamamahayag. 

Itinuturong utak ng masaker ang warlord na si Andal Ampatuan Sr. Habang si Gloria Arroyo ang nagluklok sa tugatog ng kapangyarihan kay Andal Senior, paano nagka-break sa pulitika ang dating police informant at gun-for-hire? In-appoint siya ni Presidente Marcos na mayor at officer in charge ng bayan ng Maganoy (ngayon ay Shariff Aguak).

Martial law ang ang pinagmulan ng culture of impunity na umiiral hanggang ngayon. Ano 'ka mo 'yun? Hindi lang ito 'yung nakakalusot ang "mean girls" sa iyong klase na pula ang buhok at maiikli ang palda dahil dinadalhan nila ng cupcakes ang titser. Ito 'yung wagas na pagbaluktot ng hustisya kaya nagiging pipi at bingi ang lahat ng tao sa kabulukan at kahayupan ng may kapangyarihan. Kakambal ng "culture of impunity" ang "culture of fear."

Ilan lamang ang mga sumusunod na mass murders na nabaon na sa limot:

1981. Daet Massacre. Pinaulanan ng bala ng Philippine Constabulary ang mga magsasaka na nagmamartsa patungo ng Freedom Park ng Daet sa Bicol; 4 ang namatay.

1985. Escalante Massacre. Pinagbabaril ang nagra-rally sa harapan ng Escalante town hall sa Negros Occidental. Karamihan sa kanila ay mga sakada sa tubuhan; 20 ang namatay.

 

3. Friends with benefits. Hindi ito sex sa pagitan ng magkakabarkada. Think Janet Napoles. Nakipagbestpren siya sa mga senador at mga pinuno ng ahensya na may access sa kaban ng bayan. “It’s not what you can do, but who you know."

Rewind to Makoy’s era: ito ang "crony capitalism." Ayon sa political scientists, ito ang kalakaran sa ekonomya na nababakuran ng iilang kaibigang negosyante ng pangulo ang mga kontrata at benepisyo mula sa gubyerno. Meron naman nang crony capitalism bago namuno si Marcos, pero ni-level-up niya ito. 

 

4. Kleptocracy. Plunder – malalim ang kahulugan nito, ayon sa dictionary, “to loot, ravage, ransack, despoil.” Tinatanyang umaabot sa $5 billion hanggang $30 billion ang ill-gotten wealth ng mga Marcoses.Mula sa pagkakaroon ng “promising economy” matapos ang World War II, 57% ng Pinoy ay sadlak sa kahirapan noong 1975.

$7.5 billion ang tinatantsang halaga ng nakatagong yaman ng mga Marcoses sa mga Swiss banks. Maliit na porsyento lamang ang narekober: 15 mink coats, 508 gowns, 1,000 handbags, at 1,000 pares ng sapatos (may nagsasabing 7,500 na pares), mga alahas na nagkakahalaga noong 1986 ng $8 million, at dalawang Claude Monet paintings.

 

5. Brain drain and the 'motherless generation.' Ayon sa estadistika ng 2012, tinatantsang 10.5 million workers or 11% ng populasyon ang nasa abroad.

Wala sa Pilipinas ang “best and brightest.” Hindi ang bayan ang lubos na nakikinabang sa utak ng ating mga propesyonal at bagong gradweyt. Mas masaklap, wala rin sa Pilipinas ang marami sa mga ina ng tahanan. 

Saan nagsimula ang tinatawag na diaspora? Habang marami nang Pilipino ang nagkipagsapalaran sa ibang bansa mula 1950s, sa panahon ni Marcos nagsimula ang sistematikong pagluluwas ng ating mga manggagawa. Noong 1975, ipinatupad ni Marcos ang “Development Diplomacy” na nagpokus sa pag-e-export ng "surplus labor.” Pagpasok ng 1985, namayagpag ang bilang ng overseas Filipino workers – umabot sa 75% kumpara sa nakaraang taon.

 

6. Collective amnesia. Natanong minsan ang anak ng diktador na si Bongbong Marcos: kung tatakbo siyang bise presidente o presidente, hihingi ba siya ng tawad sa korupsyon at human rights abuses ng rehimen ng kanyang ama?

Matapos ilatag ang nagawa ng ama tulad ng infrastructure, rice self-sufficiency, power generation, at high literacy, dugtong niya: "What am I to say sorry about?”

Ang sagot ng foundation para sa mga biktima ng martial law, ang Bantayog ng mga Bayani, kay Bongbong: "Ferdinand Marcos wrecked Congress, the courts, and the bureaucracy. He prostituted the military. He shackled the country with debts. Your parents stole billions of the people’s money and from their political opponents. He had a nuclear plant built that never operated but which the country has to pay for in loans. He had thousands jailed, abducted, tortured, or killed."

Madaling makalimot lalo na’t 43 taon na ang nakalilipas. Para sa bagong henerasyon, kuwento lang ang lahat ng ito. 

 

7. Foreign debt. Millennial, kung wala kang pakialam sa kasaysayan, 'di pantay na hustisya, pagyurak sa karapatang pantao, o korupsyon, ito ang isyung dapat mong pansinin. 

Nang napalayas ang dikatdor noong 1986, nag-iwan siya ng $28 billion foreign debt, mula sa $1 billion nang nagsimula siya manungkulan. Tinatantsang 33% o $8 billon ng mga utang na ito’y ibinulsa ni Marcos at ng kanyang mga alipores.

Ang utang panlabas na binabayaran nating ngayon: $75.3 billion. Magkano ang utang mo, Millennial? Nasa P61,000.

Medyo self-absorbed daw ang bagong henerasyon. Pero meron ding nagsasabing ang Millennial ang susi sa pagbabago. Sa anibersaryo ng Batas Militar sa Setyembre 21, ito ang bilin ng Rappler: mag-aral, matuto, huwag lumimot. – Rappler.com 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>