This is the full text, both in English and Filipino, of the message of Archbishop Socrates B. Villegas on the Feast of the Holy Rosary, October 7, 2016 and First Friday of the Rosary Month.
English version
Confused and sad yet hopeful
My dear brothers and sisters in Christ:
I am ashamed of the things I read about the Philippines in the international media and more ashamed of what I hear from our leaders when I watch local news.
I am sad that the cherished Filipino values maka-Diyos, makatao and makabayan are slowly eroding to be replaced by an open license for cuss words, orchestrated lies and vulgarity never heard before.
I am afraid that our children and youth will catch and embrace these twisted upside down values. I dread the thought they might carry these errors into the next generation and render tomorrow bleak and gloomy.
I am in this endless grief at the killings I have seen and heard. The well is running dry and I can no longer give a word of condolence to the bereaved families because I also need to be assured even a bit that things will get better and not become worse even more.
My brows have not been without furrows for some months now – worried, confused and sad. I cry as I pray alone. I am horrified at the new “things” that make my countrymen laugh.
How do I cope? I repeat and hold on to the saying: The darkest hour is just before dawn. The darkest hour is the hour before the sunburst!
We are afflicted in every way, but not constrained; perplexed, but not driven to despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed (2 Cor.4:8-9)
This coming October 13, 99 years ago, our Lady appeared for the final time to the 3 children of Fatima. The miracle of the sun was seen by thousands even by those who were not at the apparition site. The sun appeared as a spinning disc, seemed like falling down to the earth before it zigzagged back to its position.
Our Lady said to Lucia:
I am the Lady of the Rosary. Let them continue to say the Rosary every day. The war is going to end, and the soldiers will soon return to their homes.
“It is necessary that they amend their lives, and ask pardon for their sins. Let them offend Our Lord God no more, for He is already much offended."
In my great shame at where our nation is going, in my confusion, in my doubts, in my grief, in my worry, in my fears, what can I do to change the downward course of my beloved Philippines?
In the message of Our Lady, the soldiers will go home and the war will end. We shall see peace restored and harmony regained. We shall see civility recovered and courtesy won back.
How?
Let us pray the twenty mysteries of the ROSARY everyday now for each and every province of the Philippines “A Million Roses for the World—Filipinos at Prayer for the Nation”. The rosary in our hands and on our lips are powerful weapons for our time. So simple we take for granted yet so powerful for world change.
Let us attend daily MASS for the healing of all Filipinos in the Philippines and abroad – healing from anger and indifference, healing from cynicism and apathy, healing from blindness and passivity, healing from unconcern and listlessness. The pious practice of receiving daily Communion for the country will heal our land. Do not ever forget that one Eucharist lovingly offered is enough to change the entire cosmos. How much more this nation!
Let us go to CONFESSION frequently at least once a month. Our Lady said at Fatima: “Let them offend Our Lord God no more, for He is already much offended." Offer penance and sacrifice. Promise to obey all the Commandments and atone for all its violations and the profanities God is subjected to.
Let us fight the confusion and errors, let us resist the attacks of evil by the power of the daily ROSARY, the gift of daily HOLY COMMUNION and the humble PENANCE for sins.
Using these three-fold weapons from Fatima, let us work to restore our land.
I claim from the pierced hands and side of the Lord of Divine Mercy that these trials that we are going through as a people are just the darkest moments of the night. In time, before the radiant sunburst, we shall see the triumph of the Immaculate Heart when we celebrate the one hundredth year of the Fatima apparitions on May 13 next year.
Onward Christian soldiers marching us to war marching as to war with the Cross of Jesus going on before.
Christ the Royal Master leads against the foe. Forward into battle see his banners go!
Filipino version
Nababalisa at nalulungkot, ngunit puno ng pag-asa
Mga minanahal na kapatid kay Kristo:
Nakakahiya ang mga nababasa kong balita tungkol sa Pilipinas sa mga pahayag ng international media. Lalo pang nakakahiya ang naririnig ko mula sa ating mga pinuno sa mga balitang pambansa.
Nakakalungkot na naglalaho at gumuguho na ang mga itinatangi nating mga pinahahalagagan bilang mga Pilipino – ang pagiging maka-Diyos, makatao at maka-bayan – ay unti unting napapalitan ng garapalang pagsasalita ng masama, tahasang pagsisinungaling at malulutong na pagmumura.
Ikinatatakot ko na darating ang araw na tutularan ng mga bata ang mga binaluktot na pinahahalagagan. Ikinatakot ko ang isang bukas na madilim at nakakapanlumo sapagkat maaring maipasa ang mga kabuktutang ito sa mga susunod na henerasyon.
Walang hanggan ang aking pamimighati sa dami ng mga pagpaslang na aking narinig at nakita. Nasasaid na ang balon. Hindi na ako makapagbitiw ng mga kataga ng pakikiramay sapagkat walang makapagbigay ng pag asa at katikayan kung bubuti pa ba at magiging maayos pa ba ang lahat.
Sa loob ng ilang buwan na, ang mga kilay ko'y kumukunot - sa pag-aalala, kalituhan at kalungkutan. Sa panalangin kung nag-iisa, umaagos din ang luha. Nakakatakot ang mga bagay na ngayo'y pinagtatawanan at kinukutsa ng aking mga kababayan.
Paano ako nakapagpapatuloy sa buhay? Inuulit ulit ko at pinanghahawakan ang kasabihan: Ang pinakamadilim na bahagi sa magdamag ay bago magbukang-liwayway. Ang pinakamadilim na sandali ay ang mga sandali bago sumikat ang isang bagong umaga.
Sa magkabi-kabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pag-asa;
Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira (2 Cor.4:8-9)
Sa darating na ika-13 ng Oktubre, 99 na taon na ang nakakaraan, nagpakita sa huling pagkakataon ang Mahal na Birhen sa 3 bata sa Fatima. Nasaksihan ng libu-libong mga tao kahit malayo sa lugar ng aparisyon ang himala ng pagsayaw ng araw. Nagpaikot-ikot ang araw na tila babagsak sa lupa at nagpahakbang-hakbang bago bumalik sa dati nitong kinalulugaran.
Sinabi ng Mahal na Birhen kay Lucia:
"Ako ang Ina ng Santo Rosaryo. Ipagpatuloy nawa nila ang pagdarasal ng rosaryo araw araw. Matatapos din ang digmaaan at di lalao'y uuwi na sa kanilang mga tahanan ang mga kawal.
"Kailangan nilang magbagong buhay at humingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan. Huwag na sana nilang muling sasaktan ang Panginoong Diyos sapagkat sukdulan na nila siyang binigo at sinaktan."
Sa kahihiyan, kalituhan, pag aalinlangan, pagtangis, pagkabahala at takot sa kahahantungan ng ating bayan, anong maaring gawin upang mailigtas pa sa pagbagsak ang minamahal nating bayang Pilipinas?
Sa mensahe ng Mahal na Ina, matatapos din ang digmaan at magsisiuwi sa kanilang nga tahanan ang mga kawal. Mararanasan natin na muling magbabalik ang kapayapaan at maitataguyod ang pagkakaisa. Makikita nating mapapanauli ang mabuting ugnayan at paggalang sa isa't isa.
Paano?
Magdasal tayo ng dalawampung misteryo ng ROSARYO araw araw sa lahat ng lalawigan sa Pilipinas. "Isang Milyong Rosas para sa Mundo - Mga Pilipinong nananalangin para sa Bayan." Mabisang sandata ang pananalangin ng rosaryo sa ating nga kamay at labi. Kay simple na pinawawalang bahala natin ngunit gayung kamakapangyarihan na mapagbabago ang ating mundo.
Magsimba araw araw upang ang EUKARISTIYA ang pagmulan na paghihilom ng mga Pilipino dito sa Pilipinas at sa ibayong dagat – paghihilom mula sa mga sugat ng galit at pagkamanhid, pagaalinlangan at kawalang pag-ibig, pagkabulag at kawalang pakiramdam, kawalang pakialam at pananamlay. Hihilumin ang ating bayan kung sisikapin nating araw araw na tumanggap ng Banal na Komunyon. Huwag nating kalimutan na ang isang Eukaristiya na mapagmahal na inialay ay sapat nang papanibaguhin ang buong sanlibutan. Paano pa kaya kung para sa ating bansa?
Dumulog din ng madalas sa Sakramento ng KUMPISAL kahit minsan sa isang buwam. Sinabi ng Mahal na Ina sa Fatima: "Huwag na sana nilang muling sasaktan ang Panginoong Diyos sapagkat sukdulan na nila siyang binigo at sinaktan." Tayo'y magtika at magsakripisyo. Ipangako na sisikaping tutuparin ang mga Utos ng Diyos at pagsisihan ang mga paglabag dito at mga paglapastangan sa Diyos.
Sa kapangyarihan ng banal na Rosaryo, ng dakilang handog ng Banal na Komunyon araw araw at sa mapagpakumbabang pagsisisi sa kasalanan, lalabanan natin ang mga kalituhan at pagkakamali
Taglay ang tatlong banal na sandata mula sa Fatima, magkaisa tayong hilumin ang ating bayan.
Mula sa sugatang kamay at inulos na tagiliran ng Panginoon ng Mabathalang Awa, inaangkin ko na ang pinagdadaanan nating mga pagsubok bilang isang bayan ay ang pinakamadilim na sandali ng gabi. Sa takdang panahon, sa pagsikat ng isang bagong umaga masasaksihan natin ang tagumpay ng Kalinislinisang Puso ni Maria sa pagdiriwang natin ang ikasandaang taong anibersaryo ng pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima sa ika 13 ng Mayo sa susunod na taon.
Sulong kawal na Kristiyano sa digmaan ng buhay tanghal ang Krus ni Kristo na gagabay sa ating landas.
Kristong Hari at Guro ang namumuno laban sa katunggali. Sulong sa digmaan, watawat niya'y iwagayway. – Rappler.com