Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[EDITORIAL] Si Bikoy at ang walong di dapat iboto

$
0
0

Naipit ka na naman ba sa trapik sa EDSA?

Naisaayos na raw inflation, pero wala namang bumabang presyo ng bilihin? Sawang-sawa ka na ba sa "new normal" na paghihigpit ng sinturon?

Sabi ng gobyerno, patuloy na lumalala ang problema ng droga sa kabila ng mga bangkay ng pusher sa bangketa. Ngayon ang kampanyang nagmasaker ng tinatantyang 27,000 ay lumipat naman sa Central Luzon. Pero tone-tonelada pa rin ang pumapasok na cocaine sa bansa. Sa katotohanan, sinasabi ng mga otoridad na ngayon lang sila nakakita ng ganito karaming cocaine sa mga baybayin

At kita ba ng dalawa nating mata ang naglipanang mga manggagawang Intsik na umaagaw ng trabaho mula sa mga Pinoy?

Ang daming isyung kailangang pagtuunan ng pansin pero abala ang pamahalaan sa pagbebenta ng engrandeng pakanang laban umano kay Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng “matrix” kuno.

Ang siste, sumemplang sa takilya ang kakatwang conspiracy at nagkabuhol-buhol ang dila ng tagapagsalita ng Pangulo na si Sal Panelo.

Kumambyo naman sa susunod na kabanata: ang pag-aresto sa "sharer" ng videong “Totoong Narco list” na nag-uugnay sa pamilya ng Presidente sa droga. 

At malinaw na rin ang direksyon ng kwento: mukhang idinadawit ang oposisyon at ang mga pinuno nito tulad ni Vice President Leni Robredo at ang Magdalo party, ang balwarte ng masugid na kritiko ni Digong na si Senador Sonny Trillanes at ang kandidato sa pagka-senador na is Gary Alejano.

Saan ka naman nakakita ng suspek na nakapagpainterbyu pa sa evening news ng mga higanteng network ng telebisyon?

Nangangalingasaw man ang kwento, tuloy ang nilalangaw na soap opera. Nabaling ba ang atensyon mo mula sa kalbaryo ng buhay? 

Isang linggo na lang at eleksyon na. Narito ang 8 tipo ng mga kandidatong mas dapat pagtuunan ng pansin at di dapat iboto

1. Photo-op king! Dakilang alalay at tanging tunay na nagawa ay ang maging pambansang photo-bomber.

2. Ang mga naakusahang mandarambong na nakakabit ang pusod (at bank account) sa pork barrel queen na si Janet Napoles.

3. Ang isa sa mga arkitekto ng Martial Law– ang orig na disinformation campaign ng bansa. 30 taon na ang nakalipas at naglalako pa rin ng kasinungalingan na walang nakulong dahil sa paniniwala sa malagim na yugto.

4. Ang mga garapal sa pagsisinungaling sa publiko: ngayo’y nilalansi tayo sa pag-gradweyt niya sa kolehiyo – anong panggogoyo ang magiging diskarte niya sa Senado? 

5. Ang implementor ng giyera kontra droga: tanging pamana niya ang tinatantyang 27,000 patay mula sa kampanyang kontra-mahirap at kontra-human rights. Tanging accomplishment niya: pinayaman niya ang mga punerarya. 

6. Laos na aktor na laos na rin ang sales pitch – parang kabayo ni Leon Guerrero na sumuko na sa latay ng latigo.

7. Mga walang silbi at walang integridad na yes-men (at women) na iiwas, magtatago o makiki-chorus sa papuri sa popular na presidente.

8. Mga tagapagtaguyod ng political dynasties.

Iboto ang lider na swak sa prinsipyo mo – yung maglilingkod, independyente at magtatanggol sa 'yo. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>