Quantcast
Channel: Rappler: Views
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

[OPINYON] Paano na lang kung hindi naghiwalay ang mga magulang ko?

$
0
0

Hindi ko ma-imagine ang buhay namin kung hindi naghiwalay ang mga magulang ko.  

Maraming nagsasabi na ibinabasura ng divorce bill ang pagiging sagrado ng marriage, but as a person who had watched her parents go through the beautiful and damn horrible sides of it, isa lang ang gusto kong sabihin: hindi mape-preserve ng marriage certificate ang pamilya, mag-asawa, o pagmamahal. 

Naniniwala ako na walang gustong magpakasal para lang maghiwalay sa huli, puwera lang kung sapilitan ito dahil sa pagbubuntis o para sa pera. At some point, every couple wanted to be with each other. And I know my parents loved each other very much. 

Pero maraming nangyayari sa buhay, at minsan magugulat ka na lang 'pag na-realize mo 5 years later na hindi ito 'yung taong pinakasalan mo. In an ideal world, lubusan nating kilala ang asawa natin. In an ideal world, mahal din nila tayo, habang buhay. In an ideal world, walang problema na di 'nyo kayang harapin na magkasama. But we need laws that address our reality.  

Addiction can change a person. Drugs can change a person. Depression and mental illness can change a person. And the heartbreaking thing about abuse is that ni minsan di mo aakalaing kayang gawin 'yun sa 'yo ng isang taong mahal mo. But it happens. Domestic violence and rape happens. Baka sasabihin 'nyong worst case scenario lang ito.... Pero malala rin 'yung asawang tamad, 'yung hinahayaan kang magtrabaho at mag-alaga ng anak habang lumalandi siya sa iba. 

May mga batang umiiyak hanggang sa makakatulog sila habang nagwawala ang mga magulang nila sa kabilang kuwarto. Minsan sila pa ang pag-iinitan ng ulo. May mga batang umuuwi sa lola at lolo na lang dahil natatakot na silang umuwi sa bahay. May mga nanay na di na makaluto o makakain sa sobrang lungkot, di na magsisinding muli ang ilaw ng tahanan. Wala nang may oras kumustahin o kausapin 'yung anak nila dahil sobrang busy sila sa sarili nilang problema – kasi, ikaw ba naman, nakatira ka sa isang bahay kasama ang taong sinaktan ka? 

Worst case scenario, kailangan mo pang lumayas dahil nanganganib na sila. Titira sa ibang lugar kahit walang pera, ililipat ng school ang mga anak, bitbitin ang mahalaga dahil di madadala lahat. Tapos hahatakin ulit pabalik ng asawa, magde-demand ng pera, may karapatan ding mag-utos sa bata...dahil, legally, mag asawa pa rin kayo. May custody pa rin.

DSWD? The reality is some people can't even make it that far. At sa dami-dami ng cases, what makes you think maasikaso sila agad? Every moment matters. 

Marriage isn't just about religion or God. It's a legal matter. Tungkol ito sa hatian ng perang pinaghirapan, ng bahay na pareho ninyong binuo, ng karapatang maging legal na guardian ng mga anak 'nyo – ng tao.

Divorces aren't for fun. Magastos at masakit ito. Pero mas mabuti ito kaysa maglolokohan kayo pareho at palipat-lipat ang mga anak niyo. 

My parents are better people now. And for the first time in years, they're happy – separately. 

And it makes me still hope that someday I'll have a happy marriage too.  

You stay with a person because you make a choice every day to stay with them, not because you know there is no way out. 

PS:

Di ko sinasabi na hindi mahalaga ang simbahan o ang utos ng Diyos. We need the church too. People need a community where they can discuss their personal matters. People need hope and faith. People need to be with others older and younger and more experienced than them. We need to teach people to manage their emotions, to forgive, to have humility and patience. How to manage conflict. Kailangan din natin ang simbahan, di kayo cancelled. We just need to stop ostracizing those from broken marriages kasi, higit sa lahat, kailangan din nila ng pagtatanggap at pang-unawa. – Rappler.com

Malissa Agnes W. Strauch is a BS Development Communication student at the University of the Philippines in Los Baños. She loves eating pasta, buying clothes sa ukay-ukay, and lives to tell stories. 

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3257

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>