Pakinggan din sa: Spotify | Apple Podcasts | Google Podcasts
MANILA, Philippines – Ang episode na ito ay hatid sa inyo ng cramming.
Sa school man o trabaho – kahit sa pag-isip ng topic para sa mga podcast – lahat siguro tayo, nagcram na o nagkukumahog lang kapag papalapit na ang deadline.
Siyempre, may kanya-kanya tayong mga dahilan, at may kanya-kanya rin tayong ginagawa habang nagpro-procrastinate.
Heto ang ilan sa mga masasabi nina Michael, Chito, at Paul, tungkol sa cramming:
Michael: Tay Chito, may na-experience ka na bang naghabol ka ng gawain?
Paul: Siya iyong hinahabol.
Michael: May 2014 study sa US na 87% ng college and high school students na in-interview nila ay nagka-cram. So 13% iyong nagsisinungaling.
Paul: Ikaw ba, Sir Chito, ano'ng reason ng nagpro-procrastinate ka?
Chito: Distraction din. Kunwari, 11 [o'clock] na, gagawin mo na iyong ano, biglang may dumating na meryenda. E 'di tatayo ako, iyong meryenda....
Michael: ... waits for no one!
Michael: Nagbibigay ka ba incentive, Tay, sa mga [estudyante na] maaga nagsa-submit?
Chito: Hindi...kasi ibig sabihin noon, aagahan ko rin iyong basa ko eh!
– Rappler.com